THE OFFICIAL WEBSITE OF THE MUNICIPAL GOVERNMENT OF SAN MATEO, RIZAL
HOME / GOVERNMENT / DEPARTMENT OFFICE
Sa ilalim ng mandato ng Republic Act No. 11032, o kilala rin bilang Ease of Doing Business and Efficient Government Service Delivery Act Of 2018, ang BPLO ay inatasang pamahalaan ang pagpasok at ang pangongolekta ng local business tax ng lahat ng mga establisyimentong pang-negosyo sa ating bayan. Bilang isang departamentong nakapagbibigay-kita, hangarin ng BPLO ang patuloy na pagbibigay ng malinis na serbisyo sa pamamagitan ng pagkilos nang naaayon sa inatas sa kanilang tungkulin batay sa umiiral na batas, pagiimplementa ng mga nararapat na patakaran sa lahat ng klase ng indibidwal o grupo, magsilbi ng may integridad at siguruhing matatamasa at mapapakinabangan ng mga taga-San Mateo ang iba’t-ibang mga proyekto at imprastrakturang maipapatayo sa pamamagitan ng mga nakolektang local business taxes na siyang sumusuporta sa kita ng Pamahalaang Bayan.
Pagpaparehistro. Ito ay isang tuluy-tuloy, permanente at kinakailangang pagtatala ng mahahalagang pangyayari sa buhay ng isang indibidwal tulad ng kapanganakan, kasal, at kamatayan. Gaya ng ipinag-uutos ng Republic Act No. 3753 na kilala bilang Civil Registry Law, ang pangunahing tungkulin ng civil registration ay ang maging pinanggagalingan at basehan ng mga detalyeng inilalagay sa mga legal na dokumento na kinakailangan ng ating batas.
Isang departamentong may angkop na teknolohiya na magpapahusay sa pagtatala ng mga impormasyon upang matugunan ang mga hamon ng kasalukuyang ika-21 siglo—iyan ang ninanais ng LCR. Sa paggamit ng makabagong teknolohiya, lahat ng mga dokumento ay maiimbak sa kompyuter—magiging mas madali ang pag-tala at paghahanap ng mga talaan. Ang datos na nakalagay sa bawat dokumento ay magiging mas tumpak kumpara sa manu-manong pagtatala. Magreresulta ito sa mas mabilis at mas mabisang pagseserbisyo ng LCR para sa mga mamamayan ng San Mateo.
Sa hangaring makabuo ng mapayapa at ligtas na kapaligiran, sinusunod ng DPOS ang mandato ng ating gobyerno sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa ating bayan sa pamamagitan ng mahigpit na pagpapatupad ng mga alituntunin at ordinansa.
Bilang departamento na ang tungkulin ay lubos na nakatuon sa pagpataw ng kaayusan sa publiko at pagtugon sa mga problema sa trapiko, kasama sa mga layunin ng DPOS ang paglilingkod at pagprotekta sa interes ng mamamayan ng San Mateo nang may katapatan at paggalang, may mga kinakailangang makabagong kagamitan, makapaglunsad ng mga pagsasanay at seminar para sa mga traffic enforcer sa pakikipagtulungan sa Metro Manila Development Authority (MMDA), at ang organisadong pagpapatupad ng mga traffic scheme gaya ng Oplan One Way para maiwasan ang mabigat na daloy ng trapiko sa ating bayan at mga karatig na bayan at lungsod.
Nilikha ang Gender and Development Office o GAD upang manguna sa pagtitiyak na ang pamahalaan ay tumutugon sa pangkasariang kaunlaran ng mamamayan, kasama ang pagpapalakas, pagpapaunlad at pagsasakapangyarihan ng mga kababaihan ng San Mateo.
Ito ang sangay ng lokal na pamahalaan na nakikipag-ugnayan at nagpapatupad ng lahat ng administratibo at lohistikal na pangangailangan sa pagpapatupad ng mga program, proyekto, aktibidad at mga gawaing may kaugnayan sa pangkasariang kaunlaran ng ating bayan.
tugon sa kasarian; isang munisipalidad na tungo sa kaunlaran at walang isinasantabi, nakatuon sa paglikha ng isang lipunang malaya sa pang-aapi, karahasan, at diskriminasyon batay sa kasarian.
Ang Tanggapan ng Kalinangang Pantao ay naatasan ng batas ipang isulong ang pagbibigay ng epektibo at mabisang serbisyo sa pamamagitan ng paglinang at paghasa sa kaalaman at kakayahan ng mga kawani ng gobyerno. Bahagi ng mandato ng aming tanggapan ang:
Impormasyon at Teknolohiya. Sa ating makabagong panahon, napakahalaga ng departamento na ito. Upang maghatid ng mga serbisyong may kinalaman sa mga makabagong kagamitan gaya ng gadgets at maghatid ng impormasyon, ang ICTO ay tumutulong sa local na pamahalaan sa pagbibigay ng technical support, pag-aayos ng hardware at software, network maintenance, maayos na internet connection para sa mga online services at empleyado, data base maintenance, website maintenance, website development, paglalagay ng mga CCTV camera sa mga daan at pagpapalipad ng mga drone camera tuwing may mahahalagang okasyon o kaganapan sa munisipyo.
Lahat ng serbisyong may kinalaman sa teknolohiya at impormasyon ay maayos na naihahatid sa mga mamamayan ng San Mateo dahil sa ICTO.
Bilang pagpupunyagi at pagmamahal sa Bayan ng San Mateo, ang Legal Office ay katuwang ng ating Punong Bayan upang maipatupad ng may kahusayan at naaayon sa batas ang mga panuntunan na dapat umiral sa ating minamahal na bayan ng San Mateo para sa kapakanan ng mga mamamayan nito.
Alinsunod sa Republic Act No. 10121 na kilala bilang Philippine Disaster Risk Reduction and Management Act of 2010, ang MDRRMO ay nakatalagang magbigay ng mga serbisyo gaya ng agarang pagtugon at mga rescue operation sa oras ng sakuna, kalamidad, at mga aksidente. Ang MDRRMO, katuwang ang iba pang departamento, ang nagsisiguro na kanilang naiaabot ang mga pangangailangan ng mga evacuees. Sila rin ay nagbabalangkas ng mga programa na makakatulong tungo sa kanilang mas mahusay na pagpapatupad ng mga hakbang tungo sa kahandaan pag may sakuna, nang sa gayon ay mas maging epektibo ang kanilang pagsisilbi sa mga mamamayan ng San Mateo.
Hangad ng MDRRMO na makapagbigay pa ng mas mabilis na aksyon at pagtugon sa gitna ng kalamidad sa pamamagitan ng mas mahusay na mga kagamitan at pasilidad. Kinakailangan din ng ibayong pagsasanay ng mga rescue personnel hindi lamang mula sa ating Pamahalaang Bayan kundi maging sa ating mga barangay upang makamit ang isang sentralisadong kaalaman sa pagtugon tuwing kinakailangan.
Inatasan ang MENRO na bumuo at mag-implementa ng mga Comprehensive Environmental Protection Programs (CEPPs) ng bayan na sumasaklaw sa air, water, land, at biodiversity management—ayon din sa nilalaman ng Environmental Code.
Upang masiguro ang pagpapabuti ng estado ng ating kalikasan, layunin ng MENRO na pakilusin ang bawat komunidad tungo sa pagpapabuti ng kondisyon ng kanilang pamayanan—isang pamayanang napoproteksyunan, kayang mapreserba at panatilihing buhay ang ating mga likas-yaman hanggang sa mga susunod na taon nang sa gayo’y mapakinabangan pa ito ng mga susunod na henerasyon.
Alinsunod sa mga probisyon ng Republic Act No. 7160, o kilala rin sa bilang ang Local Government Code, ang pangunahing responsibilidad ng MHO ay ang pagbibigay ng mga serbisyong pangkalusugan sa mga mamamayan.
Ang mga serbisyong ito, mula sa implementasyon ng mga programa at proyekto ukol sa health care, pagbibigay-daan upang matamasa ang ibayong mga serbisyong pangkalusugan, pagpapatupad ng mga sanitary laws at regulations tungo sa pagkontrol at pag-iwas sa mga sakit, maternal at child care, basic oral healthcare services, pagbibigay-kamalayan ukol sa pagkontrol o pag-iwas ng mga nakakahawa at di-nakakahawang sakit, hanggang sa pagbili ng mga gamot at medisina, medical supplies at mga kinakailanganng kagamitan, ang nagsisilbing inipirasyon ng MHO sa pagnanais na magkaroon ng integrated local health system na abot-kamay, mabisa at pantay-pantay.
Tangan ang determinasyon na makapagbigay ng de-kalidad na serbisyong pangkalusgan sa publiko, ang MHO ay naghahangad ng serbisyong pangkalusugan na S.M.A.R.T:
S - Serves as primary care provider to an integrated health system
M - Measures to standards of care and health systems
A - Accessible and available
R - Results-oriented and data-driven decision-making
T - Technology-enabled system
Alinsunod sa Republic Act No. 8759, na kalaunan ay pinalitan bilang Republic Act No. 10691 (Public Employment Service Office Act of 1999), ang PESO ay nagsisilbing tagapagbukas ng oportunidad, hindi lamang para sa malawak na hanay ng mga trabaho, kundi pati na rin sa pagbibigay-daan sa pagpapaigting ng pangkabuhayang kasanayan ng mga tao. Ito ay magbibigay sa ating mga mamamayan ng esensyal at dagdag na kaalaman upang ihanda sila tungo sa landas ng mga trabahong susuporta sa kanila upang magkaroon ng mas maayos na pamumuhay.
Ang Public Employment Service Office o PESO ay ang katangi-tanging opisina sa munisipyo na ang mandato ay ang tumulong sa mga naghahanap ng trabaho katuwang ang iba’t ibang ahensya katulad ng Department of Labor and Employment (DOLE), Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) at mga pribadong kompanya at negosyo. Ang aming tanggapan ay tumutugon sa pangangailang empleyo ng mga mag-aaral, out-of-school-youth (OSY), migrant workers, displaced and distressed workers, migrant workers at mga employers.
Mandato ng PESO na makapagbigay ng napapanahong impormasyon patungkol sa demand ng trabaho itaas ang antas ng kaalaman ng mga tao patungkol sa epektibong paghahanap ng lehitimong trabaho at pagkakakitaan.
Hangarin ng PESO na makapaghain pa ng mga trabaho at pangkabuhayang pagsasanay na mas inklusibo at walang diskriminasyon na hindi lamang tatangkilikin at pakikinabangan ng ating mga lokal na mamamayan kundi pati na rin ng ating mga lokal na negosyo at employer. Ang PESO ay nakatuon din sa pagbuo ng mga plano kung paano makakabuo ng mga epektibong pagsasanay para sa ating mga mamamay, lahat ng antas ng pamumuhay, upang magkaroon sila ng kumpiyansa at kapasidad na magtrabaho nang mahusay at makapaghatid din ng mahusay at de-kalidad na serbisyo.
Itinatag ang MSWDO upang ipatupad at ibigay ang mga pangunahing serbisyo at programang panlipunan sa mga mamamayan ng San Mateo.
Ang pangako ng MSWDO ay paglingkuran at ibigay sa mga tao ang kanilang kailangan. Sa pamamagitan ng pakikinig sa mga mamamayan ng ating lokalidad, mahusay na tutugunan ng MSWDO ang kanilang mga hinaing upang sila ay mahatiran ng tulong na akma sa kanilang mga pangangailangan.
Patungo sa isang mas sistematiko at organisadong paghahatid ng mga serbisyo sa tao, ipinakita at ipapakita pa ng MSWDO ang kanilang pagiging bukas at mahusay na pakikinig sa mga tao sa oras na sila ay pumasok sa kanilang tanggapan, makapagbigay ng tamang tulong at suporta sa kanila upang sila ay aalis nang masaya at panatag sa naging serbisyo ng MSWDO.
Tinitiyak ng MPDO na ang lahat ng mga proyekto, programa, at aktibidad ng mga departamento ay nakaayon sa nilalaman ng misyon at bisyon ng ating Pamahalaang Bayan. Ang MPDO ay inatasan din na subaybayan at suriin ang kahusayan ng bawat departamento pagdating sa pagbabalangkas at pagpapatupad ng mga programa na tutugon sa mga problema o hinaing ng mga nasasakupan sa lokalidad.
Bilang “think tank” ng munisipyo, ang MPDO ay may mahalagang posisyon sapagkat may tungkulin itong ihanay nang naaayon sa misyon at bisyon ng administrasyon ang mga layunin, plano at hakbang ng bawat departamento upang masiguro ang kaunlaran at tagumpay ng pamahalaan.
Ang Public Information Office ay ang opisyal na midya ng Pamahalaang Bayan ng San Mateo, Rizal. Ito ay naatasang mangalap ng mga datos mula sa iba't ibang sektor sa bayan ng San Mateo. Ang tanggapang ito ay nagsisilbing tagapaghayag ng detalyadong impormasyon gaya ng balita, anunsyo, payo, ulat, promosyon at mga napapanahong isyu sa mga mamamayan.
Mandato ng PIO na panatilihing maalam ang mga mamamayan patungkol sa mga programa at plano ng pamahalaang bayan. Naghahatid din ang tanggapan ng mga serbisyo sa pagkuha ng larawan, bidyo, pagsasagawa ng live streaming sa mga aktibidad ng pamahalaan, paglalabas ng anunsyo publiko at pag-post sa social media.
Itinatag ang sanitary unit upang ipatupad at ibigay ang mga pangunahing serbisyo at programang pangkalinisan at pangkapaligiran sa bayan ng San Mateo Rizal. Ang sanitary unit ay nagsisikap na maipatupad nang may malasakit at buong puso ang mga adhikain ng ating pamayanan, makapagbigay ng tamang serbisyo at pangangailangan ng mga mamamayan sa pamamagitan ng pakikinig at pag- aksyon sa kanilang problema pangkapaligiran tulad ng pagsasagawa ng fogging laban sa dengue at malaria. Disinfection sa mga pampublikong palengke, paaralan at mga health center sa iba’t- ibang barangay sa San Mateo gayundin ang pag-iisyu ng mga sanitary permit para sa mga establisyimento at negosyo. Karagdagan proyekto din ng sanitary unit ang pag sisiyasat ng komersiyal na mga paliguan maging pribado man o pampubliko, pag-didisiplina sa mga nagtitinda sa mga gilid ng kalsada (street vendors) at sa mga negosyong industriyal na nakatayo sa bayan ng San MAteo . Upang magkaroon ng magandang kapaligiran ang ating bayan, kailangan ding masagip at ma-kontrol ang mga asong gala upang maiwasan ang kanilang pagdami, pangangagat at pagkalat ng dumi sa paligid. Ito ang mga serbisyong hatid ng sanitary unit para sa tuloy- tuloy na pag unlad ng ating bayan, ang aming opisina ay laging bukas para sa hinaing ng ating mamamayanan na may kahalagahan sa ating kapaligiran.
Dito sa Munisipyo ng San Mateo, ang pagtataguyod ng turismo ay responsibilidad ng lahat. Bawat mamamayan/residente ay may pantay na responsibilidad na isulong ang turismo at protektahan ang kapaligiran para sa pagpapabuti ng turismo. Sa kabilang dako, ang Municipal Tourism Office ng San Mateo ay ang pangunahing tanggapan na pangunahing inaatasan upang isulong ang lokal na turismo sa ibang bahagi ng Rizal at higit pa sa buong Pilipinas.
Ang ilan sa mga aktibidad ng opisina ay kinabibilangan ng mga sumusunod: (1) pangunguna sa fun run
mga aktibidad; (2) mga aktibidad sa pagtatanim ng puno; (3) organizing team para sa Septemberfest na kinabibilangan ng pagdiriwang ng Pista ng Nuestra Señora de Aranzazu at Kakanin Festival.
Ayon sa pangunahing datos ng Tourism Office, ang turismo dito ay parehong binubuo ng mga programang nakakalibang at nagpapaunlad ng kultura.
Alinsunod sa mandato ng Executive Order No. 82,. 1986, nilikha ang UPAO
upang matugunan ang mga kahilingan para sa pag-iisyu ng UPAO Certi-
cation na kinakailangan para sa aplikasyon ng mga service utilities para
sa kuryente at tubig tulad ng MERALCO at Manila Water. Tinutugunan din
ng tanggapan ang mga pagtatalo sa titulo ng lupa at ang mga kahilingan
mula sa asosasyon ng mga may-ari ng kabuhayan at pagkain tungkol sa
aplikasyon ng mga business permit.
Bilang pangunahing departamento na may kaugnayan sa urban poor af-
fairs, layunin ng UPAO na asikasuhin ang mga pangangailangan ng mga
urban poor at tumulong sa poverty reduction sa pamamagitan ng pag-
bibigay sa bawat kwalipikadong indibidwal at organisasyon ng UPAO Cer-
tification upang makakuha sila ng mga serbisyo ng kuryente at tubig at
magkaroon ng mas mahusay no mapping procedures upang tiyak na ma-
hanap ang mga lugar na may problema sa mga service utilities at upang
lumikha rin ng mga relocation programs para sa mga mamamayan ng
San Mateo na naninirahan sa mabababang lugar at mga landslide-prone
areas.
Ang Local Youth Development Office ay naitatag alinsunod sa Republic Act No. 10742 o mas kilala bilang Sangguniang Kabataan Reform Act of 2015. Ang layunin ng Local Youth Development Office ay magbigay ng tulong at gabay sa mga Sangguniang Kabataan ng bayan na ito.
Bukod sa pagbibigay ng gabay, ang LYDO rin ay nagdi-disenyo at nag-iimplementa ng mga programang nakaayon sa pangangailangan at kakayahan ng mga kabataan.
Ang pangunahing layunin ng LYDO ay mapalakas ang hanay ng mga kabataan sa pamamagitan ng mga programang magpapataas ng kanilang partisipasyon at pagde-desisyon kasama ang pamahalaang bayan.