THE OFFICIAL WEBSITE OF THE MUNICIPAL GOVERNMENT OF SAN MATEO, RIZAL

LATEST NEWS

Images

Agosto 10, 2023

PABATID | Mobile blood donation activity ng MHO

Sa darating na Martes, ika-15 ng Agosto 2023, mula alas-8 ng umaga hanggang alas-12 ng tanghali, magsasagawa ang ating Municipal Health Office (MHO) ng isang bloodletting activity sa AFP Covered Court, Brgy. Silangan.

PAALALA: Sa mga nais mag-donate ng dugo, narito ang mga kailangang tiyakin bago mag-donate:

  1. Kinakailangang nasa mabuting kalusugan
  2. May 6 hanggang 8 oras na tulog
  3. Nasa 18 - 59 taong gulang ang edad
  4. Hindi bababa sa 50kgs (110 lbs) ang timbang
  5. Hindi uminom ng alak o anumang nakalalasing na inumin sa nakalipas na 24 na oras
  6. Hindi nanigarilyo sa nakalipas na 6 na oras
  7. Damihan ang pag-inom ng mga inumin gaya ng tubig o juice
  8. Ang history of travel, medikasyon, piercing at mga tattoo ay susuriin on site

Bayan ng San Mateo, katuwang mo sa kalusugan mo!


Images

Agosto 10, 2023

ANUNSYO PUBLIKO | Septemberfest 2023

Bilang bahagi ng ika-25 na selebrasyon ng Kakanin Festival at ika-451 anibersaryo ng ating bayan, narito po ang opisyal na Facebook page ng Septemberfest 2023.

Antabayanan sa San Mateo Rizal Septemberfest ang kaabang-abang nating pasiklab sa nalalapit na isang buwang pagdiriwang sa ating bayan!


Images

Agosto 10, 2023

BALITANG BAKUNAHAN | Free Flu and Pneumonia Vaccine for Senior Citizens and Persons with Disability (PWD)

Sa darating na ika-15 hanggang ika-25 ng Agosto 2023, magkakaroon ng LIBRENG bakunahan kontra Flu at Pneumonia para sa ating mga kababayang Senior Citizen at Person with Disability (PWD).

Narito ang mga nakatakdang petsa, oras at lokasyon para sa mga senior citizen:

  • August 15, 2023 (Martes) , 8:00AM-12:00PM - RHU 3 Municipal Stadium
  • August 17, 2023 (Huwebes), 8:00AM-12:00PM - RHU 4 Ampid 1 Covered Court at Pintong Bukawe health center
  • August 18, 2023 (Biyernes), 8:00AM-12:00PM - RHU 2 Dulong Bayan 2 Covered Court
  • August 22, 2023 (Martes), 8:00AM-12:00PM - RHU 1 Guinayang Covered Court at RHU 5 Sto. Niño Covered Court
  • * Para sa mga nais magpabakuna na senior citizen, mangyaring magtungo muna sa malapit na registration centers (health centers) para magparehistro.

Samantala, narito naman ang nakatakdang petsa, oras at lokasyon para sa mga PWD:

  • August 25, 2023 (Biyernes), 8:00AM-12:00PM - Municipal Stadium
  • * Para sa mga PWD, makipag-ugnayan naman kay Mr. Romy Paguio (PWD President) upang magpalista sa bakunahan.

PAALALA:

  • Dapat ay hindi kayo nabakunahan ng anumang bakuna sa loob ng dalawang linggo
  • Dalhin ang inyong Senior Citizen card o PWD card.
  • Dalhin ang inyong dating Flu o Pneumonia Vaccination card
  • Hindi mababakunahan ang mga may sintomas ng COVID gaya ng ubo, sipon, lagnat, diarrhea at sore throat.
  • Limitado lamang ang slots ng bakuna
  • Ang bakunahang ito ay para lamang sa mga residente ng San Mateo, Rizal.

Bayan ng San Mateo, katuwang mo sa kalusugan mo!


Images

Agosto 10, 2023

PABATID | Senior Citizens’ Birthday Cash Gift Distribution Schedule for July and August 2023

Sa pagtutulungan ng ating Tanggapan ng Punongbayan, Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO), at ng Office of the Senior Citizens Affairs (OSCA), magkakaroon ng pamamahagi ng birthday cash gift para sa mga kababayan nating senior citizens sa 15 barangay sa ating bayan.

Narito ang mga dokumentong kailangang dalhin upang makatanggap ng cash gift:

  • Orihinal at aktuwal na ID mula sa OSCA

Para sa mga authorized representative (sakaling hindi makapunta ang senior citizen):

  • Orihinal at aktuwal na ID mula sa OSCA at isang photocopy nito na may tatlong (3) pirma ng senior citizen (benepisyaryo)
  • Orihinal at aktuwal na ID ng authorized representative at isang photocopy nito
  • Authorization letter na may pirma o thumbmark ng senior citizen (benepisyaryo)

Antabayanan ang opisyal na anunsiyo ng inyong barangay para sa iba pang mga detalye ukol dito. Para sa schedule ng pamamahagi ng ayuda, tingnan lamang ang larawan sa ibaba.

PAALALA: Ang payout po na ito ay para sa mga senior citizen na nagdiriwang ng kanilang kaarawan sa buwan ng Hulyo at Agosto at para na rin sa mga unlisted at unclaimed noong buwan ng Enero hanggang Hunyo.

Dito sa San Mateo, serbisyong panlahat, sinisikap iabot sa lahat!


Images

Agosto 10, 2023

PABATID | FILING OF CERTIFICATE OF CANDIDACY

Mga kababayan, para sa mga may nais maghatid ng pampublikong serbisyo para sa inyong mga kabarangay sa darating na eleksyon ng 2023 Barangay at Sangguniang Kabataan, maaari na kayong makakuha ng kopya ng sertipiko ng kandidatura.

Para sa mga interesado, i-download ang kopya ng certificate of candidacy sa pamamagitan ng pag-scan sa mga sumusunod na QR codes o di kaya i-click ang mga link na ito:

  • Punong Barangay: https://comelec.gov.ph/.../10924/com_res_10924_AnnexK_.pdf
  • Barangay Kagawad: https://comelec.gov.ph/.../10924/com_res_10924_AnnexK1_.pdf
  • Sangguniang Kabataan Chairperson: https://comelec.gov.ph/.../10924/com_res_10924_AnnexK2_.pdf
  • Sangguniang Kabataan Kagawad: https://comelec.gov.ph/.../10924/com_res_10924_AnnexK3_.pdf


Images

Agosto 9, 2023

PABATID | 3rd booster (bivalent vaccine) kontra COVID-19

Alinsunod sa Department Memorandum (DM) No. 2023-0178 at DM 2023-0256 ng Department of Health (DOH), maaari nang magpabakuna ng ikatlong booster kontra COVID-19 ang ating mga kababayang:

  • Nasa edad 18 taong gulang pataas na healthcare worker (A1), senior citizen (A2), o adults with comorbidities o mga may iniindang higit pa sa isang uri ng karamdaman (A3)
  • May apat na buwan na o higit pa na nakalipas matapos ang huling pagpapaturok ng ikalawang dose ng bakuna

Magtungo lamang sa SM Vaccination Center, 3rd flr. ng SM City San Mateo dala ang inyong VACCINATION CARD.

Bayan ng San Mateo, katuwang mo sa kalusugan mo!


Images

Agosto 7, 2023

Training Now, Trabaho Later: 2-day free call center training, isinagawa sa San Mateo

Sa pangunguna ng ating San Mateo Local Youth Development Office at sa pakikipagtulungan ng Leni-Kiko: Free Call Center Training , nagkaroon ng Training Now, Trabaho Later, isang libreng call center training para sa ating mga kababayang nagnanais pumasok at makapagtrabaho sa BPO industry.

Sumailalim sa dalawang araw na pagsasanay ang ating mga aspiring call center agents kung saan itinuro sa kanila ang mga pangunahing kaalaman ukol sa BPO industry, tamang pagbigkas, grammar, at kung papaano maging handa sa trabaho. Nagbigay din ng mensahe ng pagsuporta sa programa at para sa karerang kanilang tatahakin si Vice Mayor Jaime Romel M. Roxas.

Dito sa ating bayan, patuloy lamang ang paglulunsad ng mga programang maglalapit sa ating mga kababayan sa iba’t ibang mga oportunidad!


Images

Agosto 5, 2023

BALIKAN NATIN | Libreng eye check-up at eye glasses handog ni Vice Mayor Jimmy Roxas

Sa pangunguna ni Vice Mayor Jaime Romel M. Roxas ay nagkaroon ng Free Eye Check-up and Distribution of Free Eye Glasses para sa mga empleyado ng ating Pamahalaang Bayan sa buong buwan ng Hulyo. Ito ay bahagi ng pasasalamat ng ating ika-26 na Sangguniang Bayan sa kanilang unang anibersaryo.

Naging posible ang programang ito sa kanilang pakikipagtulungan sa Eye Lab Optical. Maraming salamat po Vice Mayor Jimmy at sa Sangguniang Bayan para sa serbisyong ito para sa mga kawani ng ating LGU!


Images

Agosto 3, 2023

Repacking ng mga relief goods, sinimulan na para maipamahagi sa mga evacuees

Nagsagawa ng pagrerepack ng mga relief goods ang mga kawani ng ating Pamahalaang Bayan nitong umaga ng Agosto 3, 2023 sa ating municipal stadium. Nakatakdang ipamahagi ang mga ito sa evacuation centers kung saan patuloy na nananatili ang ating mga kababayan dahil sa naging sunod-sunod na pananalasa ng bagyong Egay, Falcon, at ng habagat.

Patuloy pang inaalam ang kabuuang bilang nga mga evacuees sa bawat barangay nang sa gayon ay maging tama at sapat ang distribusyon ng mga relief goods na ating ipamamahagi.

Dito sa San Mateo, kalinga ang handog para sa iyo!


Images

Agosto 3, 2023

3rd Food Handling Orientation, muling isinagawa ng Sanitary Unit

Pinangunahan ng ating Municipal Sanitary Unit (Sanitary San Mateo) ang pagsasagawa ng ikatlong Food Handling Orientation para sa 39 staff ng 9 na food establishments sa ating bayan nitong ika-3 ng Agosto sa municipal stadium. Dito’y nagsilbing guest speaker si Environmental Health Sanitation Coordinator ng Provincial Health Office ng Rizal na si Engr. Concepcion Baybayon.

Tinalakay naman ng mga lecturer na sina G. Ivan Armia, G. James Lim at G. Aljon Tortal ang mga paksang nakapaloob sa Field Health Services Information System gaya ng mga usapin ukol sa wastong pagpoproseso at paghahanda ng mga pagkain, sanitation sa palikuran, pati na rin ang pag-iwas sa mga nakahahawang sakit gaya ng HIV. Layunin ng programang ito na mapalawak ang kamalayan ng bawat isa sa malinis at ligtas na paghahanda hanggang sa pagkonsumo ng pagkain.

Dito sa San Mateo, kalinisan at kaligtasan ng ating mga kababayan, tututukan natin ‘yan!


Images

Agosto 3, 2023

Clearing operations sa Sapang Labo creek

Maagang nagsimula ang mga kawani ng ating Municipal Engineering Office sa kanilang clearing operations sa Sapang Labo creek, sa may Kambal Road, upang maibsan ang pagbaha sa kahabaan ng Patiis Road.

Kanilang hinahakot ang mga debris na magkahalong mga basura at water lily na siyang bumabara sa naturang creek.

Manatiling ligtas at alerto, kababayan!


Images

Agosto 2, 2023

PABATID | Low-cost Kapon sa San Mateo, Rizal

Magandang balita sa kababayan nating fur parents!

Sa darating na ika-26 ng Agosto 2023, magkakaroon ng low-cost kapon hatid ng Biyaya Animal Care sa ating Municipal Stadium sa Brgy. Guitnang Bayan I, mula alas-8 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon. Mayroon ding LIBRENG anti-rabies vaccine para sa lahat ng mga magpapakapon! Para sa mga interesado, magtungo lamang po kayo sa nabanggit na petsa, oras, at lokasyon dala ang inyong mga alagang hayop na ipapakapon. Maaari rin kayong magparehistro sa link na ito: https://form.jotform.com/.../4murang-kapon-san-mateo-rizal Samantala, narito naman ang kaukulang rates para sa inyong mga alaga:

  • Female Cat - P500.00
  • Male Cat - P350.00
  • Female Dog - P2,000.00
  • Male Dog - P1,500.00
MAHALAGANG PAALALA:
  • May karagdagang bayad na P500.00 para sa mga asong lagpas sa 15kg ang timbang
  • Ang mga FAQs at mga kinakailangang tandaan ukol sa pagpapakapon ay matatagpuan sa link na nasa itaas
Ang programang ito ay sa pagtutulungan ng Biyaya Animal Care at ng ating Pamahalaang Bayan, sa pamamagitan ng ating Animal Welfare Officer. Dito sa ating bayan, alaga ang inyong alaga! Publicity material courtesy of Biyaya Animal Care


Images

Agosto 1, 2023

PAGDIRIWANG | Buwan ng Wikang Pambansa 2023



Alinsunod sa Proklamasyon Blg. 1041 na pinagtibay ni dating Pangulo Fidel V. Ramos taong 1997, taunang ginugunita ng buong bansa ang buwan ng Agosto bilang Buwan ng Wikang Pambansa. Isa rin itong pag-alala sa buwan ng kapanganakan ng ating itinuturing na Ama ng Wikang Pambansa na si dating Pangulo Manuel Luis Quezon.

Sa tema ng pagdiriwang nito ngayong taon na "Filipino At Mga Katutubong Wika: Wika ng Kapayapaan, Seguridad, at Ingklusibong Pagpapatupad ng Katarungang Panlipunan.", nawa’y ating alalahanin ang kahalagahan ng ating wika bilang isang instrumentong nagbubuklod sa sambayanang Pilipino, saan mang panig ng bansa at ng mundo.

Maligayang Buwan ng Wikang Pambansa!

Publicity material courtesy of Komisyon sa Wikang Filipino


Images

Hulyo 31, 2023

Bayan ng San Mateo, nakibahagi sa 63rd Palarong Pambansa Opening Program sa Marikina

Hindi nagpatinag sa makulimlim na panahon ang masigla at makulay na opening ceremony ng ika-63 Palarong Pambansa nitong Lunes, ika-31 ng Hulyo 2023, sa Marikina Sports Center. Sinimulan ito ng parada ng mga atleta mula sa iba’t ibang mga rehiyon sa ating bansa na sinundan naman ng isang programa na siyang nagbigay hudyat sa opisyal na pagsisimula ng Palarong Pambansa.

Narito rin sina President Bongbong Marcos, Vice President at DepEd Secretary Sara Duterte, punongbayan ng Lungsod ng Marikina Mayor Marcy Teodoro, Congressman Jojo Garcia, Mayor Omie Rivera, at ilan pang mga alkalde mula sa iba’t ibang panig ng ating bansa.

Ating suportahan ang mga manlalaro mula sa ating bayan na lalaban sa athletics, basketball, at taekwondo. Ipinagmamalaki namin kayo, mga kabataang atleta ng San Mateo!

Basta palakasan, malakas ang San Mateo diyan!


Images

Hulyo 31, 2023

PABATID | Kids’ Symposium hatid ng PESO

Sa darating na ika-11 ng Agosto 2023, magdaraos ang ating Public Employment Service Office (PESO San Mateo) ng isang pagtitipon para sa anak ng mga kababayan nating Overseas Filipino Workers (OFWs), ang OFW Kids’ Symposium na may temang “You are W.O.R.T.H.Y. Beyond Belief”. Sa Sangguniang Bayan Session Hall ito gaganapin mula alas-8 ng umaga hanggang alas-12 ng tanghali.

Para sa mga nais dumalo, i-click na lamang ang link sa ibaba upang magparehistro: https://tinyurl.com/OFWKidsSymposium

MAHALAGANG PAALALA: Ito ay para lamang sa mga anak ng OFWs na nasa edad 13 hanggang 25 taong gulang.


Images

Hulyo 30, 2023

Relief goods, ipinamahagi sa ating mga kababayang apektado ng Bagyong Falcon

Umaga nitong ika-30 ng Hulyo nang bumaba ang lebel ng tubig sa San Mateo-Batasan Bridge sa normal level nito na 17.96M. Naging abala ang ating San Mateo, Rizal- Municipal Social Welfare and Development Office MSWDO sa pamamahagi ng relief goods sa ating mga kababayang naapektuhan ng Bagyong Falcon at nananatili sa evacuation centers sa iba't ibang mga lokasyon sa ating bayan. Ayon sa kanilang pinakahuling tala, umabot sa halos dalawang libong relief supplies ang naipaabot sa araw na ito.

Sa pakikipagtulungan sa mga kawani ng bawat barangay, patuloy pa rin ang pagpapalista ng MSWDO para sa mga evacuees na naapektuhan ng bagyo ngunit hindi pa nakatatangap ng relief goods.

Dito sa San Mateo, may kalingang handog para sa ating mga kababayan!


Images

Hulyo 30, 2023

PABATID | Iskolar ni MayOR Program Application Schedule

Patuloy lamang ang ating pagtanggap ng mga aplikante para sa Iskolar ni MayOR Program hanggang ika-4 ng Agosto 2023. Magtungo lamang sa lobby sa 1st floor ng ating munisipyo mula alas-9 ng umaga hanggang alas-4 ng hapon para kumuha ng scholarship application form.

- Para sa mga residente ng Brgy. Silangan:
Maaari kayong makakuha ng scholarship application form sa inyong BARANGAY HALL ngayong ika-2 ng Agosto, mula ika-9 ng umaga hanggang ika-12 ng tanghali.

- Para sa mga residente ng Brgy. Pintong Bukawe:
Maaari kayong makakuha ng scholarship application form sa inyong BARANGAY HALL ngayong ika-3 ng Agosto, mula alas-9 ng umaga hanggang alas-12 ng tanghali.

PAALALA: Para sa listahan ng iba pang mga dokumentong kailangang maipasa, i-scan lamang ang QR code sa larawan sa ibaba o iclick ang link na ito: https://rb.gy/uqlu3

Sakaling may katanungan, makipag-ugnayan lamang sa San Mateo Rizal Educational Assistance Unit o tumawag sa numerong ito: (02) 8297-8100 local 144


Images

Hulyo 29, 2023

Capacity building, idinaos para sa mga SK Chairperson aspirants

Aktibo at puno ng sigla ang naging pagsisimula ng “Makabagong SK! Magaling, Matino at May Puso!”, isang capacity building para sa mga Sangguniang Kabataan Chairperson aspirants hatid ng San Mateo Local Youth Development Office. 25 mga aspiring SK chairpersons mula sa iba’t ibang mga barangay sa ating bayan ang nagtipon-tipon nitong ika-29 ng Hulyo upang makibahagi sa aktibidad na ito.

Matapos ang ilang mga pampasiglang gawain, nagkaroon ng pagbabahagi mula kay Taytay Councilor Hon. John Tobit Cruz ukol sa komposisyon ng isang kabataang lider na matino, may integridad, at may pananagutan. Susundan ito ng ilan pang mga makabuluhang talakayan mula kina UP Diliman Asst. Prof. Venarica B. Papa, at Hon. Lord Arnel L. Ruanto, Vice Mayor ng Infanta, Quezon.

Dito sa San Mateo, huhubugin ang mga kabataang lider na titindig at magsisilbi para sa ating bayan!


Images

Hulyo 27, 2023

BANTAY BAGYO | #EgayPH

Naging pabugso-bugso ang pananalasa ng Bagyong Egay sa ating bayan ngayong araw ng Huwebes, ika-27 ng Hulyo 2023. Magpapasado alas-4 ng madaling araw nang tumaas na sa 1st alarm ang lebel ng tubig sa San Mateo-Batasan Bridge at pasadong alas-8 ng umaga naman nang tumaas ito hanggang 2nd alarm.

Tingnan lamang ang larawan sa ibaba para sa mga datos at pinakahuling tala ng ating MDRRMO at MSWDO ukol sa lebel ng tubig at bilang ng mga tao sa evacuation centers.

Mag-ingat po tayong lahat! Ito ang mga emergency hotlines na maaaring tawagan sakaling mangailangan ng tulong:
MDRRMO/DPOS - (02) 8297-8100 loc. 129-131
BFP - (02) 8297- 8100 loc. 134, 0963 020 3591, 0977 605 5866
PNP San Mateo -(02) 8297-8100 loc. 114, 0998 598 5728, 0917 112 9995
Manatiling alerto, Bayan ng San Mateo!


Images

Hulyo 27, 2023

Incident Command System, binuksan para sa Bagyong Egay

Alas-6 ng umaga nitong Hulyo 27 nang i-activate ang ating Incident Command System sa pangunguna ni Mayor Omie Rivera at ng San Mateo Rizal - Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office sa kasagsagan ng malakas at pabugso-bugsong pag-ulang nararanasan ng ating bayan.

Matapos ang naging pagpupulong ng mga kinatawan ng bawat departamento ng ating Pamahalaang Bayan, binisita nina Mayor Omie ang ilan sa mga kalapit na establisyimento upang usisain ang kondisyon ng mga ito. Samantala, patuloy lamang ang pangangasiwa ng ating Pamahalaang Bayan sa pangkabuuang sitwasyon ng ating bayan at mga kababayan.

Mag-ingat po tayong lahat! Ito ang mga emergency hotlines na maaaring tawagan sakaling mangailangan ng tulong:
MDRRMO/DPOS - (02) 8297-8100 loc. 129-131
BFP - (02) 8297- 8100 loc. 134, 0963 020 3591, 0977 605 5866
PNP San Mateo -(02) 8297-8100 loc. 114, 0998 598 5728, 0917 112 9995

Manatiling alerto, Bayan ng San Mateo!


Images

Hulyo 26, 2023

Libreng kapon hatid ng ating Pamahalaang Bayan, muling idinaos

Sa ikalawang pagkakataon ay muling isinagawa ang libreng pagkakapon para sa mga alagang aso’t pusa ng ating mga kababayan. Ginanap ito kahapon, ika-25 ng Hulyo 2023, sa San Mateo National High School, sa pagtutulungan ng ating Animal Welfare Officer, Bb. Anda Ramirez, Biyaya Animal Care Philippines, at Petish Veterinary Clinic.

Umabot sa 100 ang kabuuang bilang ng mga aso’t pusang nakapon nang libre. Nagkaroon din pagbabahagi ng kaalaman mula sa ating San Mateo Municipal Health Office ukol sa rabies, sintomas ng pagkakaroon nito, at paano maiiwasan ang pagkakaroon nito.

Maraming salamat sa Biyaya Animal Care Philippines, Petish Veterinary Clinic, at sa ating mga responsableng pet owners na nakibahagi sa ating 2nd Free Kapon! Patuloy lamang ang ating Pamahalaang Bayan sa paglulunsad ng mga programang kapaki-pakinabang sa mga mamamayan ng San Mateo.

Stray pets no more, kababayan!


Images

Hulyo 25, 2023

ANUNSIYO TRAPIKO | Palarong Pambansa 2023 sa Marikina

Sa pagdaraos sa Lungsod ng Marikina ng Palarong Pambansa 2023 mula ika-26 ng Hulyo hanggang ika-5 ng Agosto 2023, asahan ang mabigat na daloy ng trapiko pa-Marikina sa mga araw na ito.

Para sa mga kababayan nating motorista na patungo ng Marikina, narito ang mga alternatibong ruta na maaari ninyong gamitin:

  • Papuntang Quezon City, dumaan sa Batasan Rd. o sa Commonweatlh patungo sa inyong destinasyon
  • Papuntang Pasig/ Antipolo/ Cainta, dumaan sa Sto. Niño, Modesta pa-Fortune, Marikina at patungo sa inyong destinasyon

Maraming salamat po sa inyong pang-unawa.


Images

Hulyo 25, 2023

Community-Based Monitoring System (CBMS) Training , isinagawa para sa ikaapat na batch ng CBMS Enumerators

Pinangunahan nina Bb. Ma. Cristina Cristina Crisol at Bb. Elaine Pascual ng Philippine Statistics Authority (PSA) - Rizal ang ginanap na Community-Based Monitoring System (CBMS) Training para sa ikaapat na batch ng ating mga CBMS enumerator sa Admin Office ng ating municipal stadium.

Isang buong araw na pagsananay ito para sa 46 na mga trainees kung saan nagkaroon ng mga talakayan gaya ng mga dapat ihanda para sa CBMS National Roll Out, mga responsibilidad ng isang PSA personnel, paggamit ng CBMS mobile application at mga dapat pang malaman tungkol sa CBMS.

Patuloy lamang ang ating pagkalap at pagsasanay ng mga bagong CBMS enumerators upang matiyak ang maayos na pagsasagawa ng ating programa.


Images

Hulyo 25, 2023

The Church of Jesus Christ of Latter-day Saints in the Philippines, naghandog ng mga kagamitan para ating MHO

Kasabay ng ating flag ceremony nitong ika-24 ng Hulyo 2023, kinilala at binigyang pasasalamat ng ating Pamahalaang Bayan ang The Church of Jesus Christ of Latter-day Saints in the Philippines - San Mateo Branch sa kanilang mga donasyong kagamitan sa San Mateo Municipal Health Office gaya ng X-ray machine, dental chair, desktop computer, router, at printer.

Matapos ang pagpirma sa Memorandum of Agreement (MOA) ukol sa mga natanggap na kagamitan, nagtungo sina Mayor Omie Rivera at MHO Department Head Dr. Nyl Jarem Amoroso kasama sina Elder at Sister Larsen ng Humanitarian Services Team, Pres. Christopherson Domingo ng Montalban Philippines Stake, Pres. Dean Bermudez, 1st Councilor ng Stake Presidency at Bro. James Ledesma ng Welfare and Self-reliance Area sa ating Super Health Center. Kanilang sinilip ang mga medical equipment na kasalukuyang nagagamit at napapakinabangan ng ating mga kababayan.

Nagpapasalamat ang ating Pamahalaang Bayan sa The Church of Jesus Christ of Latter-day Saints in the Philippines San Mateo Branch para sa mga kaloob na ito! Dito sa San Mateo, may pagtutulungan at pagbabayanihan para sa ating mga mamamayan!


Images

Hulyo 24, 2023

Mga PWUD, nagsipagtapos sa Community-Based Drug Rehabilitation Program Completion Ceremony

Idinaos nitong Sabado, ika-22 ng Hulyo 2023, sa Admin Office ng ating municipal stadium ang completion ceremony para sa mga Person Who Used Drugs (PWUD) na sumailalim sa ating Community-Based Drug Rehabilitation Program (CBDRP).

Katuwang ni Vice Mayor Jaime Romel M. Roxas, pinangunahan ng mga kinatawan ng San Mateo Municipal Anti-Drug Abuse Council (SAMMADAC) at ng San Mateo Municipal Health Office ang paggawad ng sertipiko ng pagtatapos sa mga PWUD na determinado at naging masikap sa pakikibahagi sa ating CBDRP.

Muli, isang pagbati sa mga nagtapos! Dito sa ating bayan, sama-sama tayo tungo sa pagkakaroon ng kaunlarang panlahat!


Images

Hulyo 24, 2023

PABATID | Iskolar ni MayOR Program Application Schedule and Process

Isa ka bang incoming college student o di kaya’y kasalukuyan nang nag-aaral sa kolehiyo?

Ito na ang inyong pagkakataong mapabilang sa scholarship program handog ng Tanggapan ng ating Punongbayan, Mayor Omie Rivera! Magtungo lamang sa ating Social Services Assistance Center sa Plaza Natividad upang kumuha ng application form, simula ngayong araw ng Lunes, ika-24 ng Hulyo 2023, mula 9:00AM hanggang 4:00PM.

Para sa mga karagdagang detalye ukol sa iskedyul at proseso ng pag-aapply, tingnan lamang ang larawan sa ibaba. Halina’t maging Iskolar ni Mayor! Sakaling may katanungan, makipag-ugnayan lamang sa San Mateo Rizal Educational Assistance Unit o tumawag sa numerong ito: (02) 8297-8100 local 144


Images

Hulyo 22, 2023

Capacity Building, idadaos para sa mga SK Chairperson aspirants

Nalalapit na ang ating kauna-unahang Capacity Building for Aspiring SK Chairpersons “Makabagong SK! Magaling, Matino at May Puso!”. Gaganapin ang unang araw nito ngayong ika-29 ng Hulyo 2023 at sa ika-19 ng Agosto 2023 naman ang ikalawang araw, sa Sangguniang Bayan Session Hall ng ating munisipyo.

Isa ka ba sa mga nagnanais maging bagong mukha ng liderato ng kabataan sa ating bayan? Sama na at kumpirmahin ang inyong pagdalo sa capacity building na ito sa pamamagitan ng pagpaparehistro sa link na ito: https://forms.gle/u1uxa8xg7uxQjpPk7

PAGLILINAW: Ang capacity building na ito ay para lamang sa mga nagnanais tumakbo bilang SK Chairperson. Antabayanan lamang ang iba pang anunsiyo mula sa ating San Mateo Local Youth Development Office para sa mga programang handog sa mga kabataan ng ating bayan.

Kita kits, future SK Chairperson!


Images

Hulyo 22, 2023

45th National Disability Prevention and Rehabilitation Week Celebration, ipinagdiwang sa San Mateo

Naging masaya at masigla ang ating selebrasyon ng ika-45 National Disability Prevention and Rehabilitation Week nitong ika-22 ng Hulyo 2023, sa San Mateo National High School. Ito ay sa pagtutulungan ng San Mateo, Rizal- Municipal Social Welfare and Development Office MSWDO at ng Persons with Disability Federation of San Mateo Rizal Inc. (PWDFSMRI).

Aktibong nakibahagi ang mga persons with disability (PWDs) sa mga inihandang aktibidad para sa kanila gaya ng mga palaro, poster making contest, singing contest, at dance contest. Nagbahagi rin ng mensahe sina Vice Mayor Jimmy Roxas, National Council on Disability Affairs Executive Director G. Joniro “Don” Fradejas, at Konsi Joey Briones ukol sa patuloy na pagsasagawa ng mga ganitong aktibidad na makapagtatampok ng kakayahan at kagalingan ng mga kababayan nating PWD.

Nakikiisa ang ating Pamahalaang Bayan sa pambansang selebrasyon ng ika-45 National Disability Prevention and Rehabilitation Week. Sama-sama tayo patungo sa kinabukasang maunlad at may handog na oportunidad para sa lahat.

Bayan ng San Mateo, bayang kalinga ang handog sa iyo!


Images

Hulyo 22, 2023

Mga kabataang anak ng solo parents, nakatanggap ng school supplies sa Handog Gamit Eskwela Program

Nagkaroon ng handog gamit eskwela para sa mga kabataang anak ng solo parents sa ating bayan nitong ika-21 ng Hulyo 2023, sa Brgy. Sta. Ana Covered Court. Pinangunahan ito ng ating Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) at dito’y namahagi sila, katuwang si Konsi Boy Salen, ng sari-saring school supplies gaya ng notebook, ballpen, envelope, papel, ruler at mga krayola sa higit sa 190 mga bata.

Dito sa San Mateo, sisikapin nating hubugin ang ating kabataang titindig para sa kinabukasan ng bayan!


Images

Hulyo 21, 2023

San Mateo LGU at NNC, nakiisa sa selebrasyon para sa 49th Nutrition Month

Pinangunahan ng National Nutrition Council (NNC) at ng San Mateo Municipal Health Office (MHO) ang pagdiriwang ng ika-49 na Nutrition Month na may temang “Healthy diet, gawing affordable for all!” nitong ika-21 ng Hulyo 2023, sa ating municipal stadium.

Sinimulan ito ng isang talakayan kung saan nagsilbing guest speaker si Bb. Louise Cuartero, dietician/nutritionist mula sa NNC. Pagkatapos nito ay nagkaroon ng isang cook-off na nilahukan ng mga ECCD teachers at mga magulang ng batang may malnutrisyon mula sa iba’t ibang mga barangay sa ating bayan. Kaniya-kaniyang pasiklaban ang bawat grupo sa pagluluto at paghahain ng mga pagkaing masustansya at abot-kaya na sasapat sa apat na miyembro ng pamilya.

Itinanghal na nagwagi sa cook-off ang Brgy. Banaba, pumapangalawa naman ang Brgy. Maly, at pangatlo ang Brgy. Dulong Bayan II. Ipinapaalala sa atin ng ating naging pagdiriwang ng Nutrition Month na kahit limitado ang budget, marami pa ring maihahanda sa pamilya na mura at masustansya.

Bayan ng San Mateo, katuwang mo sa kalusugan mo!


Images

Hulyo 21, 2023

Programang Libreng pagtutuli ng MHO, isinagawa sa Brgy. Dulong Bayan II

Tuluy-tuloy lamang ang pagsasagawa ng ating libreng pagtutuli (free circumcision)

sa pagtutulungan ng ating Municipal Health Office at ng Department of Health (DOH). Dumalo rito ang higit sa 140 binatilyo mula sa mga barangay ng Malanday, Dulong Bayan I, at Dulong Bayan II.

Antabayan lamang ang pagkakaroon ng free circumcision sa inyong lugar. Bukas ito para sa mga:

  • Binatilyong nasa edad 11-15 taong gulang
  • May kumpletong bakuna laban sa COVID-19
  • Walang ubo, sipon, at lagnat
  • May pahintulot ng mga magulang

Hanapin lamang ang nurse o midwife sa health center ng inyong barangay upang makapagsign-up para rito. Para sa schedule at iba pang katanungan ukol dito, bumisita lamang sa Facebook page ng San Mateo Municipal Health Office o tumawag sa (02) 8297-8100 local 148 Bayan ng San Mateo, katuwang mo sa kalusugan mo!


Images

Hulyo 20, 2023

Libreng tuli hatid ng MHO

Sa pangunguna ng ating Municipal Health Office, kasalukuyang isinasagawa nitong ika-20 ng Hulyo sa Ampid I covered court ang ikalawang schedule ng Free Circumcision (libreng pagtutuli) para sa mga kabataan ng barangay Ampid I. Layunin ng pagsasagawa ng programang ito na mabigyan ng libreng serbisyo ang ating mga kababayan at palawakin ang kanilang kamalayan ukol sa kahalagahan ng pagtutuli.

Samantala, magkakaroon muli ng libreng pagtutuli sa iba’t ibang mga lokasyon sa ating bayan sa mga susunod na araw. Bukas ito para sa mga:

  • Binatilyong nasa edad 11-15 taong gulang
  • May kumpletong bakuna laban sa COVID-19
  • Walang ubo, sipon, at lagnat
  • May pahintulot ng mga magulang

Hanapin lamang ang nurse o midwife sa health center ng inyong barangay upang makapagsign-up para rito.

Para sa schedule at iba pang katanungan ukol dito, bumisita lamang sa Facebook Page ng San Mateo Municipal Health Office o tumawag sa (02) 8297-8100 local 148

Bayan ng San Mateo, katuwang mo sa kalusugan mo!


Images

Hulyo 20, 2023

Kababayang centenarian, nahandugan ng birthday cash gift

Nitong ika-20 ng Hulyo, nagkaroon ng paggawad ng birthday cash gift ang ating Pamahalaang Bayan, sa pangunguna ng San Mateo, Rizal- Municipal Social Welfare and Development Office MSWDO sa ating kababayang centenarian na si Gng. Justa Cristi Justo na mula sa Brgy. Banaba.

Si Lola Justa ay ipinanganak noong Hulyo 19, 1920 at nagdiriwang ng kanyang ika-103 na kaarawan ngayong araw. Personal siyang binisita ni Mayor Omie Rivera at ng mga kawani MSWDO upang makapaghandog sa kaniya ng birthday cash gift alinsunod sa Municipal Ordinance No. 041-S-2016. Nakasaad sa ordinansang ito na makatatanggap ang mga kababayan nating centenarian ng P10, 000 sa kada taon na sila ay nabubuhay.

Pagbati kay Lola Justa at sa lahat ng mga lolo’t lolang centenarian! Dito sa San Mateo, may kalinga para kina lolo at lola!


Images

Hulyo 20, 2023

Mga PWDS sa San Mateo, nakiisa sa selebrasyon ng 45th National Disability Prevention and Rehabilitation Week

Bilang bahagi ng ating pagdiriwang ng 45th National Disability Prevention and Rehabilitation (NDPR) Week, ginanap nitong ika-19 ng Hulyo 2023, ang isang medical mission para sa mga kababayan nating persons with disability (PWDs) sa Guitnang Bayan Elementary School.

Sa pagtutulungan ng ating San Mateo, Rizal- Municipal Social Welfare and Development Office MSWDO at San Mateo Municipal Health Office, higit sa 200 PWDs ang nakatanggap ng libreng konsultasyon, libreng gamot, dental checkup, fluoride application at flu/COVAX booster vaccination. Dumalo rin dito si Mayor Omie Rivera na nagpahayag ng patuloy na pagsuporta ng Pamahalaang Bayan sa mga programang kapaki-pakinabang para sa PWDs. Narito rin ang Person with Disability (PWD) Association na pinangungunahan ni G.Romeo Paguio at ang Autism Society of the Philippines- San Mateo Chapter sa pangunguna ni G. Esperanza S. Marzo.

Layunin ng ating naging aktibidad hindi lamang ang makapagbahagi ng libreng serbisyo sa mga kababayan nating PWD kundi maipadama rin sa kanila na sila ay bahagi ng pag-unlad ng ating bayan.

Dito sa ating bayan, may libreng serbisyong handog para sa’yo, kababayan!


Images

Hulyo 18, 2023

Mga Senior Citizen, nakatanggap ng Social Pension Payout

Isinagawa ngayong ika-18 ng Hulyo 2023 sa Brgy. Sta. Ana Covered Court ang unang araw ng social pension payout para sa mga kababayan nating senior citizen. Dinaluhan ito ng mga residente mula sa Brgy. Sta. Ana, Ampid I, Banaba, Guitnang Bayan I at Ampid II.

Samantala, narito ang mga nakatakdang petsa, oras, at lokasyon ng mga susunod na payout:
- Para sa mga residente ng Brgy. Maly, Guinayang, Malanday
19 Hulyo 2023, 8:30AM - 12:00PM - Brgy. Dulong Bayan II Covered Court
- Para sa mga residente ng Brgy. Dulong Bayan I, Dulong Bayan II, Guitnang Bayan II
19 Hulyo 2023, 1:00PM - 4:30PM - Brgy. Dulong Bayan II Covered Court
- Para sa mga residente ng Brgy. Gulod Malaya
20 Hulyo 2023, 8:00AM - 10:00AM - Marvihills Covered Court
- Para sa mga residente ng Brgy. Sto. Niño
20 Hulyo 2023, 10:00AM - 12:00PM - Marvihills Covered Court
- Para sa mga residente ng Brgy. Pintong Bukawe
21 Hulyo 2023, 8:30AM - 12:00PM - Brgy. Pintong Bukawe Covered Court
- Para sa mga residente ng Brgy. Silangan
21 Hulyo 2023, 1:00PM - 4:00PM - AFP Covered Court

Dito sa ating bayan, may handog na serbisyo at kalinga para kina lolo at lola!


Images

Hulyo 19, 2023

Manila Water Foundation at ang P&G Safeguard Philippines, naghandog ng mga libreng sabon

Bumisita sa ating munisipyo nitong ika-19 ng Hulyo ang Manila Water Foundation at ang P&G Safeguard Philippines upang mamahagi ng 20 kahon ng Safeguard soap. Bahagi ito ng kanilang “Maging Ligtas, Mag-#SAFEWASH” campaign kung saan lumilibot sila sa iba’t ibang mga bayan upang mamahagi ng mga sabon.

Layunin ng naturang kampanya na isulong ang pagpapataas ng kamalayan ng ating mga kababayan ukol sa hand hygiene bilang daan sa pagkakaroon ng isang malusog na komunidad.

Nagpapasalamat ang ating Pamahalaang Bayan, sa pangunguna ni Mayor Omie Rivera, sa Manila Water Foundation at P&G Safeguard Philippines! Dito sa ating bayan, kalusugan ng ating mga kababayan, tutukan natin yan!


Images

Hulyo 18, 2023

National Blood Donors' Month, ipinagdiriwang sa buwan ng Hulyo

Alinsunod sa Proklamasyon Blg. 1021 na nilagdaan ni Dating Pangulo Fidel Ramos noong 1997, ang buwan ng Hulyo ay kinikilala bilang National Blood Donors' Month. Layunin ng pag-alala sa buwang ito ang pagkilala sa ibinibigay na inspirasyon at ipinapakitang mabuting halimbawa ng ating mga kababayang nagpapaabot ng tulong sa iba sa pamamagitan ng pagbibigay ng dugo.

Kaisa ang ating Pamahalaang Bayan sa makabuluhang paggunita ng National Blood Donors' Month. Bayan ng San Mateo, katuwang mo sa kalusugan mo!


Images

Hulyo 18, 2023

Free Training Scholarship Program sa Computer System Services NC II, handog ng TESDA

Sa pagtutulungan ng ating Public Employment Service Office (PESO San Mateo), ng Technical Education And Skills Development Authority (TESDA) at ng Bowline Training and Assessment Center, Inc. magkakaroon ng LIBRENG training scholarship program sa Computer System Services NC II para sa ating mga kababayang taga-San Mateo!

Sasailalim sa 35-day blended learning (face-to-face at online training) ang mga mapipiling trainee at ang mga makakatapos naman ay tatanggap ng allowance na nagkakahalaga ng PHP 5,600.00 at NC II Certificate.

Narito ang kailangang tandaan at ihanda:

  • Para ito sa mga nasa edad 18 taong gulang pataas
  • Kopya ng Birth Certificate
  • Kopya ng Transcript of Record o Form 137/8 o lumang report card (hindi tinatanggap ang mga diploma)
  • Valid I.D.
  • 2 piraso ng inyong 1x1 picture na may white background at nakasuot ng collared shirt

Para sa mga interesadong aplikante, magpasa lamang ng inyong requirements sa opisina ng Bowline Training and Assessment Center, Inc. sa 26 Martilyete St. Mistown Subd. Brgy. San Roque, Marikina City (sa likod ng McDonald's Marcos Highway) mula Lunes hanggang Biyernes, alas-8 ng umaga hanggang alas-4 ng hapon.

MAHALAGANG PAALALA: 50 trainee lamang mula sa ating bayan ang tatanggapin upang mapabilang sa training scholarship program na ito.Para sa anumang katanungan, makipag-ugnayan lamang sa kanila sa mga numerong ito - 86820165 / 09173190509.

Kababayan, apply na dahil dito sa San Mateo, may oportunidad at kahusayang handog sa iyo!


Images

Hulyo 16, 2023

Iskolar ni MayOR Program, magbubukas para sa mga nais maging iskolar

Isa ka bang incoming college student o di kaya’y kasalukuyan nang nag-aaral sa kolehiyo?

Narito na ang inyong pagkakataong mapabilang sa scholarship program handog ng Tanggapan ng ating Punongbayan, Mayor Omie Rivera . Para sa mga detalye gaya ng kuwalipikasyon at mga dokumentong kailangang ihanda sa Iskolar ni Mayor Program, i-click lamang ang link na ito: https://rb.gy/uqlu3

MAHALAGANG PAALALA:

  • Ang scholarship program na ito ay para lamang sa mga residente ng San Mateo, Rizal
  • Ang bawat mag-aaral ay maaari lamang mag-apply sa isa sa dalawang kategorya ng programa. (Scholarship Award o Academic Assistance Grant)
  • Para sa mga aplikante sa ilalim ng Scholarship Award, hindi maaaring mayroon nang existing scholarship o financial aid/grant mula sa anumang ahensya, pribado man o sa gobyerno.
  • Para sa mga aplikante sa ilalim ng Academic Assistant Grant, hindi maaaring mayroon nang existing scholarship o financial aid/grant mula sa gobyerno. Sakaling mayroong scholarship mula sa isang pribadong ahensya, maaari pang maging kuwalipikado basta hindi tataas sa P10,000.00 ang natatanggap kada semester.
  • Para sa schedule ng aplikasyon, hintayin lamang ang aming susunod na anunsiyo.

Halina’t maging Iskolar ni Mayor! Makipag-ugnayan lamang sa San Mateo Rizal Educational Assistance Unit o tumawag sa numerong ito: (02) 8297-8100 local 144


Images

Hulyo 14, 2023

Capacity Building, gaganapin para sa mga SK Chairperson aspirants

Kabataan, nais mo bang maging SK Chairperson ng inyong barangay ngayong nalalapit na halalan?

Sa kauna-unahang pagkakataon, magkakaroon ng dalawang araw na capacity building para sa mga aspiring Sangguniang Kabataan (SK) Chairpersons ng ating bayan na may temang “Makabagong SK! Magaling, Matino at May Puso!”. Pangungunahan ito ng ating San Mateo Local Youth Development Office at gaganapin ito sa SB Hall, sa ikatlong palapag ng ating munisipyo. Narito ang mga nakatakdang petsa at oras para sa aktibidad na ito:

Day 1
29 Hulyo 2023 (Sabado) - 8:00AM hanggang 5:00PM
Day 2
19 Agosto 2023 (Sabado) - 9:00AM hanggang 5:00PM

Kumpirmahin ang iyong pagdalo sa pamamagitan ng pagsagot sa link na ito: https://forms.gle/u1uxa8xg7uxQjpPk7
Dito sa ating bayan, may pagkilala sa boses at liderato ng kabataan. Kita kits, future SK Chairs!


Images

Hulyo 13, 2023

Mga benepisyaryo ng SEAP, sumailalim sa orientation

Matagumpay na idinaos ng Public Employment and Service Office (PESO) ang orientation para sa mga napiling benepisyaryo ng Student Employment Assistance Program (SEAP) nitong ika-11 ng Hulyo sa San Mateo Municipal College (SMMC) Guinayang Campus. Dito’y tinalakay ni PESO - OIC Bb. Marizza Cabug-Os ang mga kinakailangang nilang malaman ukol sa SEAP gaya ng Office Decorum, Compensation, at Deployment.

Layunin ng programang itong magbigay ng Temporary Employment sa mga mag-aaral, at out-of-school youth (OSY) sa loob ng 10 araw, upang makatulong sa pantustos sa kanilang mga pangangailangan. Inaasahang sa darating na Lunes, ika-17 ng Hulyo ay magsisimula na sa kanilang trabaho ang unang batch ng mga benepisyaryo.

Dito sa ating bayan, may oportunidad para sa’yo, kabataan!


Images

Hulyo 13, 2023

Unang araw ng libreng tuli, ginanap sa Brgy. Guinayang

Pinangunahan ng ating San Mateo Municipal Health Office ang pagsasagawa ng libreng pagtutuli nitong ika-13 ng Hulyo 2023 sa Brgy. Guinayang Covered Court. Nasa 40 binatilyo ang sumailalim sa libreng serbisyo. Nakatanggap rin ang mga magulang ng libreng gamot at flyers na naglalaman ng impormasyon ukol sa pag-aalaga sa mga batang bagong tuli. Samantala, magkakaroon muli ng libreng pagtutuli sa iba’t ibang mga lokasyon sa ating bayan sa mga susunod na araw. Bukas ito para sa mga:

  • Binatilyong nasa edad 11-15 taong gulang
  • May kumpletong bakuna laban sa COVID-19
  • Walang ubo, sipon, at lagnat
  • May pahintulot ng mga magulang

Hanapin lamang ang nurse o midwife sa health center ng inyong barangay upang makapagsign-up para rito.

Bayan ng San Mateo, katuwang mo sa kalusugan mo!


Images

Hulyo 12, 2023

Tertiary Education Subsidy at Tulong Dunong Program Distribution, naghatid tulong sa mga mag-aaral sa SMMC

Nagkaroon ng paggawad ng cash assistance sa mga mag-aaral ng San Mateo Municipal College (SMMC) nitong ika-11 at ika-12 ng Hulyo 2023 sa SMMC Main Campus sa Brgy. Guitnang Bayan II. Ito ay sa pamamagitan ng programang Tertiary Education Subsidy (TES) at Tulong Dunong Program (TDP) ng Commission on Higher Education (CHED) na may layong magbigay tulong pinansyal sa mga nangangailangan nating mag-aaral.

Naroon upang pangasiwaan ang pamamahagi ng financial grant sina Mayor Omie Rivera, kasama ang pamunuan ng SMMC sa pangunguna ni SMMC President, Dr. Teresita Dela Cruz, Mr. Nestor M. Tadena, Mr. Reldino R. Aquino, at si CHED Focal Person Mr. Argie Dioquino.

Taos pusong nagpapasalamat ang Pamahalaang Bayan sa CHED sa kanilang tulong na ibinahagi sa mga iskolar ng ating bayan. Dito sa San Mateo, may suporta sa edukasyon ng ating mga kababayan!


Images

Hulyo 11, 2023

MHO, magsasagawa ng Libreng tuli sa mga barangay

Sa pangunguna ng ating San Mateo Municipal Health Office, magkakaroon ng libreng pagtutuli sa iba’t ibang mga lokasyon sa ating bayan. Ito ay para sa mga:

  • Binatilyong nasa edad 11-15 taong gulang
  • May kumpletong bakuna laban sa COVID-19
  • Walang ubo, sipon, at lagnat
  • May pahintulot ng mga magulang

Hanapin lamang ang nurse o midwife sa health center ng inyong barangay upang makapagsign-up para rito. Samantala, narito ang mga nakatakdang petsa at lokasyon ng libreng pagtutuli:

  • 13 Hulyo 2023 - Brgy. Guinayang Covered Court
  • 20 Hulyo 2023 - Brgy. Ampid I Covered Court
  • 21 Hulyo 2023 - Brgy. Dulong Bayan II Covered Court
  • 25 Hulyo 2023 - Sta. Barbara Covered Court
  • 27 Hulyo 2023 - Pintong Bukawe Health Center
  • 28 Hulyo 2023 - Superhealth Center

MAHALAGANG PAALALA:
LIMITADO lamang ang ating slots sa 40 pasyente bawat barangay. First come, first serve basis po ito, kaya sugod na sa pinakamalapit na health center sa inyong lugar upang magparehistro! Bayan ng San Mateo, katuwang mo sa kalusugan mo!


Images

Hulyo 10, 2023

Contingency Planning Training, idinaos para sa mga kawani ng ibat-ibang ahensya

Isinagawa ng Office of Civil Defense (OCD) at ng ating San Mateo Rizal - Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office ang Contingency Planning Training. Isa itong 4-day training seminar mula ika-4 hanggang ika-7 ng Hulyo 2023 na ginanap sa Birhen ng Bayang San Mateo Cooperative Office, sa Brgy. Guitnang Bayan I.

Dinaluhan ito ng mga kinatawan ng PNP, BFP, BJMP, DepEd, San Mateo LGU, at ng ating Barangay Disaster Risk Reduction and Management Office (BDRRMO). Layunin ng naging aktibidad na pataasin ang kahandaan at kasanayan ng mga kawani ng ating Pamahalaang Bayan, lalo na ang mga barangay disaster officers, sa pagbuo ng planong nakatuon sa seguridad ng ating mga kababayan sa panahon ng sakuna.

Lubos ang ating pasasalamat sa mga facilitators ng talakayan na sina Civil Defense Officer III Randy Dela Paz, Chief of Operations ng OCD4A, Training Section Chief Charmis Rivera, Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) at Research and Planning Division Designate John Terrenal, Cabuyao City DRRMO sa pagbabahagi nila ng kanilang mga kaalaman.

Bayan ng San Mateo, kaligtasan mo ang prayoridad dito!


Images

Hulyo 10, 2023

Iskolar ni Mayor Program, inilunsad

Tinatawagan ang mga incoming pati na ang mga current college students sa ating bayan!

Pagkakataon niyo nang mapabilang sa scholarship program handog ni Mayor Omie Rivera, ang Iskolar ni Mayor Program! Bukas ito sa mga college students sa paparating na Academic Year 2023-2024 at narito ang dalawang kategoryang maaari ninyong pagpilian sa pag-aapply:

Scholarship Award

  • Makatatanggap ng P10,000.00 maximum ang awardee kada semester (pambayad sa matrikula, tuition fee, at sariling allowance)
  • Kailangang mapanatili ang general weighted average (GWA) na 90%
  • Walang grado/marka sa kahit anong asignatura na mas mababa sa 80%
  • Hindi nag-drop, bumagsak, o nakatanggap ng incomplete na grado sa kahit anong asignatura noong nakaraang semester o academic year

Academic Assistance Grant

  • Makatatanggap ng P2,500.00 maximum ang grantee kada semester (sariling allowance)
  • Kailangang mapanatili ang pasadong grado sa lahat ng asignatura
  • Hindi nag-drop, bumagsak, o nakatanggap ng incomplete na grado sa kahit anong asignatura noong nakaraang semester o academic year

MAHALAGANG PAALALA:
ISA sa dalawang kategorya lamang na nabanggit ang maaari ninyong pasukan. Antabayan lamang ang mga karagdagang detalye ukol sa application requirements at kung paano mag-aapply para rito sa official Facebook page ni Mayor Omie Rivera.

Bayan ng San Mateo, katuwang mo sa pag-abot ng pangarap mo!


Images

Hulyo 8, 2023

Ilang SSE, sumailaim sa Intellectual Property Rights Workshop

Pinangunahan ng San Mateo Municipal Planning and Development Office (MPDO), katuwang ang Intellectual Property Office of the Philippines (IPOPHL) ang pagsasagawa ng Intellectual Property Rights Workshop nitong ika-7 ng Hulyo 2023, sa Admin Office ng ating municipal stadium.

Dinaluhan ito ng mga kinatawan mula sa ilang small scale enterprises o negosyo sa ating bayan at nagbahagi sa kanila ng kaalaman sina Ms. Josephine Santiago at Mr. Justin Mark Morales ng IPOPHL na nagtalakay ng mga paraan ng pagbibigay proteksyon sa mga yamang isip o intellectual property.

Ang intellectual property ay tumutukoy sa anumang orihinal na likha na nagmumula sa ating isip gaya ng disenyo, imbensiyon, mga simbolo at pangalang ginagamit sa komersiyo, at marami pang iba. Layunin ng naging aktibidad na bigyang kaalaman ang ating mga kababayan ukol sa mga karapatang mangangalaga at magbibigay seguridad sa mga ito.

Dito sa ating bayan, handog natin ang mga programang kapaki-pakinabang sa ating mga kababayan!


Images

Hulyo 6, 2023

Iskolar ni Gob Program

Higit sa 100 college scholars mula sa ating bayan ang nakatanggap ng educational assistance handog ng Pamahalaang Panlalawigan ng Rizal sa pangunguna ni Gob. Nina Ynares at ng ating Pamahalaang Bayan. Ginanap ang payout na ito nitong ika-5 ng Hulyo 2023, sa San Mateo National High School, Brgy. Guitnang Bayan I.

Maraming salamat po Gob. Nina Ynares sa inyong patuloy na pagtulong sa ating mga kabataan!


Images

Hulyo 5, 2023

VAW Desk Officers, sumailalim sa Capability Enhancement Seminar

Sa pagtutulungan ng San Mateo, Rizal- Municipal Social Welfare and Development Office MSWDO at ng Gender and Development Office - San Mateo Rizal, idinaos nitong ika-4 ng Hulyo 2023, sa Ciudad Christhia Resort 9 Waves, Brgy. Ampid I, ang unang araw ng 3-day Capability Enhancement Seminar para sa ating VAW Desk Officers.

Nakatuon ang seminar na ito sa epektibong pangangasiwa at paghawak ng gender-based violence cases ng mga VAW Desk Officers mula sa iba’t ibang barangay sa ating bayan. Bunsod ito ng kanilang mga gampanin bilang mga pangunahing humaharap sa mga biktima ng pang-aabuso at ang tumutulong sa pag-aasikaso ng mga VAW cases.


Images

Hulyo 3, 2023

ANUNSIYO PUBLIKO | Kapon para sa Kontroladong Populasyon!

Magandang balita, mga kababayang fur parents! Muling nagbabalik ang libreng kapon para sa inyong mga alagang aso’t pusa! Gaganapin ito sa ika-25 ng Hulyo 2023, araw ng Martes, mula alas-7 ng umaga hanggang alas-7 ng gabi, sa ating municipal stadium.

Pakitandaan lamang ang mga sumusunod:

  • Kailangang nasa edad 6 na buwan hanggang 4 na taong gulang ang inyong alaga
  • Kailangang nasa magandang kalusugan ang inyong alaga
  • Kailangang magdala ng isang (1) valid I.D.
  • Kailangang magdala ng Certificate of Indigency

Mangyaring sagutan lamang ang registration link sa baba para sa INISYAL na pagpaparehistro ng inyong alaga. https://forms.gle/mzVJ9MC1g1tbA4xa9 PAALALA: Ang mga magpaparehistro ay dadaan muna sa screening ng ating Animal Welfare Officer. Makatatanggap kayo ng tawag bilang kompirmasyon na kayo ay napiling makakapagpakapon nang libre.


Images

Hulyo 3, 2023

Mga OFW sa San Mateo, ipinagdiwang ang National Migrant Workers’ Month Celebration

Bilang pagpupugay sa ating mga kababayang Overseas Filipino Workers (OFWs), pinangunahan ng ating Public Employment Service Office (PESO San Mateo) ang pagdaraos ng National Migrant Workers’ Month nitong nakaraang Huwebes, ika-29 ng Hunyo 2023 sa ating municipal stadium.

Dumalo rito ang mga kinatawan ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Rizal sa pangunguna ni G. Lawrence Angeles, San Mateo OFW Federation President Ptra. Teresita Broqueza, at mga OFW Family Circles. Sa tulong naman ng ating Gender and Development Office - San Mateo Rizal, nakapaghandog tayo ng mga libreng serbisyo gaya ng manicure/pedicure, massage, gupit, at footspa. Binigyan din ng pagkakataong makapagbenta ang mga OFWs ng kanilang sariling produkto sa mga nakaistasyong livelihood booths. May scholarship registration ding handog ang Paul College of Leadership at registration naman para sa mga ahensya ng gobyerno gaya ng SSS at PhilHealth.

Ayon kay Mayor Omie, ang ating naging selebrasyon ay isang pagkilala sa naitutulong ng ating mga kababayang OFW sa pagpapalago ng ekonomiya ng Pilipinas. Hindi rin matatawaran ang kanilang pagsasakripisyo na mapalayo sa kani-kanilang mga pamilya.


Images

Hulyo 2, 2023

Mayor’s Cup Volleykatan 2023 Inter barangay Volleyball League, inilunsad para sa mga taga-San Mateo

Tinatawagan ang mga balebolista ng ating bayan!

Ipamalas na ang inyong lakas at galing sa gaganaping Mayor’s Cup Volleykatan 2023 Inter barangay Volleyball League. Simula na ito ngayong ika-22 ng Hulyo 2023 kaya't sa mga nais sumali, makipag-ugnayan lamang sa SK chairperson ng inyong barangay para sa buong detalye ukol sa tryouts at team selection. Samantala, narito ang mga kinakailangang tandaan at mga dokumentong dapat ninyong ihanda:

  • Kinakailangang residente ng San Mateo, Rizal (babae, lalaki, miyembro ng LGBTQIA+ community)
  • Dapat ay rehistradong botante sa San Mateo, Rizal (kung nasa 15 taong gulang pataas ang edad)
  • Voter's certificate
  • Certificate of Residency
  • Birth Certificate
  • Upadated 1x1 I.D. picture ninyo (hard copy, para sa team gallery)
  • Isang (1) koponan kada kategorya sa isang (1) barangay. (e.g. 1 men's team, 1 women's team, 1 LGBTQIA+ community's team)
  • Isang (1) coach at isang (1) assistant coach lamang ang dapat na mayroon kada koponan


Images

Hulyo 2, 2023

2nd Food Handling Orientation, isinagawa para sa mga food establishment staff

Sa pangunguna ng ating Municipal Sanitary Unit (Sanitary San Mateo), idinaos nitong Huwebes, ika-29 ng Hunyo 2023 sa ating municipal stadium ang ikalawang Food Handling Orientation para sa 30 staff ng nasa 30 iba't ibang food establishments sa ating bayan. Muli nating inimbitahan bilang guest speaker si Environmental Health Sanitation Coordinator ng Provincial Health Office ng Rizal na si Engr. Concepcion Baybayon.

Sa orientation na ito ay nagkaroon ng talakayan ukol sa Field Health Services Information System o ang wasto at naaangkop na paghahanda at pagpoproseso ng mga pagkain; sanitation sa palikuran; HIV, at nutrisyon. Sa pamamagitan ng programang gaya nito, sinisikap nating mapaunlad ang kaalaman ng mga may negosyo, lalong-lalo na ang may food business, upang matiyak na sila ay sumusunod sa Sanitary Code of the Philippines.


Images

Hunyo 28, 2023

Pamahalaang Bayan ng San Mateo, nakiisa sa Eid al-Adha

Ginunita nitong Miyerkules, ika- 28 ng Hunyo ng ating mga kapatid na Muslim ang Eid al-Adha o ang Feast of Sacrifice. Nawa'y mapuno ang pagdiriwang na ito ng pagpapala at kasaganahan para sa lahat.

Eid mubarak!


Images

Hunyo 26, 2023

Motortrade Nationwide Corporation, namahagi ng libreng food packs sa Brgy. Pintong Bukawe

Sa pagtutulungan ng Motortrade Nationwide Corporation at ng ating Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO), nagkaroon nitong Sabado, ika-24 ng Hunyo 2023, ng pamamahagi ng food packs sa 200 pamilyang residente ng Brgy. Pintong Bukawe sa Pintong Bukawe Covered Court. Ang aktibidad na ito ay bahagi ng pagdiriwang ng kaarawan ni Motortrade Chairman Emeritus Vicente Ongtenco.

Maraming salamat sa inyong tulong sa ating mga kababayan Motortrade Nationwide Corporation!

Mabuhay po kayo!


Images

Hunyo 26, 2023

Mga biktima ng pagguho ng riprap sa Banaba, nakatanggap ng Emergency Shelter Assistance

Sa pagtutulungan nina Congressman Jojo Garcia, MMDA Deputy Chairman Usec. Frisco "Popoy" San Juan, Jr., at ng ating Pamahalaang Bayan sa pangunguna ni Mayor Omie Rivera, nagkaroon ng Emergency Shelter Assistance Distribution kaninang umaga sa SB Session Hall ng ating munisipyo.

Ang cash assistance na ito ay inihahandog para sa 22 pamilyang naapektuhan ng pagguho ng riprap sa South Libis, Baybay Ilog I sa Brgy. Banaba noong nakaraang buwan ng Mayo 2023. Maraming salamat Cong. Jojo Garcia at Usec. Popoy para sa pagpapaabot ng tulong sa ating mga kababayang lubos na nangangailangan. Mabuhay po kayo!


Images

Hunyo 26, 2023

Bayan ng San Mateo, lumagda sa MOU para sa Declaration of Stable Internal Peace and Security (SIPS)

Nitong nakaraang Biyernes, ika-23 ng Hunyo 2023, pormal nang idineklara ang pagiging insurgency-free ng ating Bayan ng San Mateo. Nangangahulugan lamang ito na ang ating bayan ay malaya sa anumang maaaring maging banta sa ating kapayapaan at kaayusan. Pinagtibay ito sa pamamagitan ng isang ceremonial signing ng Memorandum of Understanding para sa Declaration of Stable Internal Peace and Security (SIPS).

Dumalo sa ceremonial signing na ito sina Cong. Jojo Garcia, Bokal JP Bautista, Mayor Omie Rivera, Vice Mayor Jimmy Roxas, MLGOO/San Mateo Rep. Sherlyn Oñate - Resurreccion, at San Mateo PNP Chief Pltcol. Rodolfo Santiago II. Kasama rin dito ang mga nasa pamunuan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa pangunguna ni Deputy Regional Director for Operations/NICA 4A Representative Marites Nasayao.

Ang ating nakamit na insurgency-free status ay isang patunay na ang seguridad ng ating lugar at mga kababayan ang isa sa mga prayoridad ng ating Pamahalaang Bayan. Nawa’y maging isang magandang oportunidad din ito upang lumago at gumanda ang takbo ng ating ekonomiya dulot ng paglapit ng mga turista at namumuhunan.


Images

Hunyo 24, 2023

Kauna-unahang Pride Month 2023, ginanap

Bilang pakikiisa ng ating Pamahalaang Bayan sa patuloy na selebrasyon ng Pride Month ngayong buwan ng Hunyo sa ating bansa, pinangunahan ng ating Gender and Development Office - San Mateo Rizal at ng Tanggapan ng ating Punongbayan, sa pamamagitan ng San Mateo Local Youth Development Office, ang pagsasagawa ng kauna-unahang Pride Month Celebration sa ating bayan - ang “Unang Ganap, Lahat Tanggap”.

Naging makulay at masaya ang isang araw na pagtitipong ito ng mga miyembro, maging ang mga sumusuporta, ng LGBTQIA+ community mula sa iba't ibang mga barangay. Nagkaroon ng Advocacy Talks kung saan tinalakay ng mga inimbitahang tagapagsalita ang mga paksa gaya ng HIV awareness, SOGIE, karapatan sa union o partnership at Worker’s Rights on Transgenders. Sinundan ito ng pagsasagawa ng Pride March at sa kinagabihan naman ay ang pagdaraos ng isang fashion show, tampok ang mga obrang gowns ni Bb. Amanda Jazz ng Peñaflorida Atelier at ang pagpapamalas ng nakamamanghang intermission numbers ng mga inimbitahang performers.

Ang ating Pamahalaang Bayan ay patuloy lamang sa pagsuporta sa isinusulong na pagkilala sa karapatan at kontribusyon ng mga miyembro ng LGBTQIA+ community sa ating lipunan


Images

Hunyo 23, 2023

Cong. Jojo Garcia, pinangasiwaan ang TUPAD Payout

Pinangasiwaan ni Cong. Jojo Garcia sa ating municipal stadium ang payout ng ating mga kababayang benepisyaryo ng Department of Labor and Employment Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (DOLE TUPAD). Dumalo rin dito si Mayor Omie Rivera, Bokal JP Bautista at kapitan ng ilang barangay.

Layunin ng programa na mabigyan ng tulong pinansyal ang ating mga kababayan sa pamamagitan ng paglilinis sa ating kapaligiran. Maraming salamat sa pangangasiwa ng ating TUPAD payout, Cong. Jojo Garcia!


Images

Hunyo 23, 2023

San Mateo LGU, nagsilbing host sa RACMENRO Meeting

Napiling maging host ang ating bayan sa ginanap na meeting ng Rizal Association of City Municipal Environment and Natural Resources Officers (RACMENRO). Dumalo dito ang mga kinatawan ng MENRO mula sa bawat bayan ng lalawigan ng Rizal.

Sa pangunguna ng ating MENRO OIC na si Elaine De Jesus, EnP, napag-usapan ang bylaws ng RACMENRO at atin ding ibinahagi sa kanila ang best practices ng ating bayan pagdating sa pangangalaga ng ating kapaligiran.

Maraming salamat sa pagbisita RACMENRO officers at masaya kaming makapagbahagi ng kaalaman sa inyo!


Images

Hunyo 22, 2023

Mga kababayan nating 4Ps beneficiaries, nagtapos sa Pugay Tagumpay 4Ps program

Ginanap sa Sta. Ana covered court nitong ika-22 ng Hunyo ang Pugay Tagumpay, isang pagkilala sa mga pamilyang nagtapos bilang benepisyaryo ng 4Ps Pantawid Pamilyang Pilipino Program ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) katuwang ang Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) ng ating Pamahalaang Bayan.

Kasama sina DSWD Municipal Link Jomarie Baylon, RSW, M. P.Admin. at kawani ng ating MSWDO, kinilala nina Mayor Omie Rivera at pinamahagian ng food packs ang 282 pamilyang nagtapos at nakumpleto ang programa upang mapaunlad ang edukasyon at kabuhayan ng kanilang mga anak.

Ikinagagalak natin na magkaroon sila ng mas maayos na pamumuhay sa pamamagitan ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program at ating pamahalaang bayan.

Pagbati sa lahat ng 4ps beneficiaries!


Images

Hunyo 19, 2023

Pamahalaang Bayan ng San Mateo, nakiisa sa Ika-162 taong kaarawan ni Dr. Jose Rizal

Ginugunita natin ang ika-162 taong kaarawan ni Dr. Jose Rizal na ating pambansang bayani. Sa pamamagitan ng kaniyang katalinuhan at husay sa pagsulat, naging bahagi siya ng paglaban para sa kalayaang tinatamasa na ng ating bansa.

Nananatili siyang inspirasyon sa ating lahat. Maligayang Kaarawan, Gat. Jose Rizal!


Images

Hunyo 19, 2023

Kauna-unahang Mayor's Cup Inter Barangay Mobile Legends Tournament 2023, isinagawa

Nagwagi ang mga koponan mula sa Brgy. Banaba, Guitnang Bayan I, at Ampid II sa kanilang pagkakapanalo bilang Champion, 1st runner-up at 2nd runner-up sa ating Mayor’s Cup Inter Barangay Mobile Legends Tournament 2023!

Sisikapin nating patuloy na makapaglunsad ng mga programang magsusulong at magtatampok ng husay, lakas, at diskarte ng mga kabataan ng ating bayan.

Maraming salamat sa ating sports coordinator, Neil Hernandez, at sa lahat ng mga kabataang lumahok sa ating kauna-unahang e-palaro na ito.

Ginugunita natin ngayong araw ang ika-162 taong kaarawan ni Dr. Jose Rizal na ating pambansang bayani. Sa pamamagitan ng kaniyang katalinuhan at husay sa pagsulat, naging bahagi siya ng paglaban para sa kalayaang tinatamasa na ng ating bansa.

Nananatili siyang inspirasyon sa ating lahat. Maligayang Kaarawan, Gat. Jose Rizal!


Images

Hunyo 16, 2023

2nd Barangay Day, idinaos sa Brgy. Dulong Bayan I

Nagtungo ang Pamahalaang Bayan sa pangunguna ni Mayor Omie Rivera nitong ika-15 ng Hunyo sa Sitio Ibayo, Brgy. Dulong Bayan I kung saan idinaos ang ikalawang Barangay Day. Upang marating ito, tinawid ang ilog ng mga kawani ng barangay na pinangungunahan ni Kapitan Nelson Antonio at ng mga kawani ng ating Pamahalaang Bayan.

Bukod sa pamamahagi ng food packs, nagbahay-bahay din katuwang ang Municipal Health Office upang masuri at mabigyan ng gamot ang mga kababayan nating senior citizens at bata na nangangailangan ng atensyong medikal. Para naman sa mga kabataan doon, nagkaroon ng paghahandog ng mga bola ng volleyball at basketball. Sa pagtatapos ng pagbisita, nagkaroon ng kwentuhan sa mga residente rito habang sama-samang nagsasalo sa kanilang inihandang boodle fight.

Patuloy lamang ang pagbisita ng ating pamahalaan sa iba pang mga barangay sa ating bayan nang sa gayon ay mas lalo pa nating masuri at matiyak ang mga programang naaayon sa pangangailangan ng ating mga kababayan.


Images

Hunyo 14, 2023

Mga OFW sa San Mateo, dumalo sa Owwa Capacity Drill: Community-Based Level And Anti-Illegal Recruitment Campaign

Kasalukuyang ginaganap ngayong umaga, ika-10 ng Hunyo 2023 sa Dulong Bayan Elementary School, ang ating kauna-unahang OWWA Capacity Drill in the Barangay Level at Anti-illegal Recruitment Campaign. Dinaluhan ito ng ating mga kababayang migrant workers, kanilang mga pamilya at aspiring OFWs mula sa Barangay Dulong Bayan I. Ito ay sa pagtutulungan ng Public Employment Service Office, San Mateo OFW Federation sa pangunguna ni Ptr. Terry Broqueza at ng Global Filipino Movement na pinangunahan ni Ptr. Dennis Diamante.

Layunin ng programang ito na ilapit sa pintuan ng kanilang mga tahanan ang impormasyon tungkol sa serbisyong OFW at upang magbigay kaalaman upang makasigurado na ang mga aspiring migrant workers ay makaiwas sa illegal recruitment at siguradong makakuha ng lehitimong trabaho abroad.

Patuloy tayong magbabahagi ng kaalaman sa ating mga kababayan sapagkat iba ang may alam!


Images

Hunyo 13, 2023

SM City San Mateo, pinangunahan ang Independence Day Job Fair 2023

Sa pakikipagtulungan ng ating Public Employment Services Offices (PESO) at SM City San Mateo, ginaganap nitong ika-12 ng Hunyo ang SM Independence Day Job Fair sa 3rd Floor ng SM City San Mateo. Dumalo rito sina Municipal Administrator Henry Desiderio, DOLE-Rizal Provincial Office personnel at PESO Manager na si Ms. Marizza Cabug-os.

Nasa 20 participating companies ng DOLE-Rizal ang dumalo. 372 naman ang mga nakiisang job seekers kung saan 70 ang hired on the spot.

Dito sa San Mateo, may oportunidad para makapagtrabaho, kababayan!


Images

Hunyo 13, 2023

1st San Mateo Pride March Celebration, gaganapin ngayong Hunyo 25, 2023

Sa pagtutulungan ng Pamahalaang Bayan ng San Mateo Rizal at ng Gender and Development Office ay gaganapin na ang 1st San Mateo Pride March Celebration, na may Temang: “Unang Ganap, Lahat Tanggap” bilang pagsuporta sa LGBTQ+ community sa kanilang patuloy na paglaban para sa pagkakapantay-pantay at pagtanggap ng lipunan.

Ang unang pagdiriwang na ito sa San Mateo ay magaganap sa Hunyo 25, 2023 at magtatampok ng mga talumpati, pagtatanghal, martsa sa mga lansangan, at isang community fair.

Inaanyayahan natin ang lahat ng miyembro ng komunidad na sumali sa amin para sa mahalagang kaganapang ito. Ang San Mateo Pride March Celebration ay isang pagkakataon upang ipagdiwang ang pagkakaiba-iba, isulong ang pagtanggap, at itaas ang kamalayan sa mga patuloy na pakikibaka na kinakaharap ng komunidad ng LGBTQ+.

Hinihikayat natin ang mga dadalo na magdala ng mga karatula, watawat, at kanilang mga boses sa martsa, at lumahok sa fair ng komunidad.

Sama-sama tayo upang ipagdiwang ang pag-ibig, pagtanggap, at pagkakapantay-pantay!

Happy Pride!


Images

June 12, 2023

Ika-125 Araw ng Kalayaan, ipinagdiwang ng Pamahalaang Bayan ng San Mateo

Nitong ika-12 ng Hunyo ay idinaos ang isang programa para sa paggunita ng ika-125 anibersaryo ng araw ng ating kasarinlan. Nagkaroon din ng pagpapasinaya ng Bantayog ng Kagitingan, isang bagong monumento para sa komemorasyon at pagbibigay-pugay sa ating mga kababayang beterano ng ikalawang digmaang pandaigdig.

Naging maulan man sa kasagsagan ng selebrasyon, nagpapasalamat tayo sa lahat ng mga dumalo at nakiisa sa ating pagdiriwang na sina Bokal JP Bautista, Atty. Marie Fe Galvez-Garcia, Vice Mayor Jimmy Roxas at ang buong Sangguniang Bayan, department heads, sa pangulo ng Sons and Daughters of the Veterans na si Manny Carillo, Bernabe Valdez ng Katipunang Pangkasaysayan ng San Mateo, Rizal Inc., at mga kawani ng ating Pamahalaang Bayan.

Nawa'y maging makabuluhan para sa ating lahat ang araw na ito. Maligayang araw ng kalayaan!


Images

Hunyo 9, 2023

Mga locally-painted bags, ibinida sa Likhang Yaman ng Lalawigan Inter-town Bag Design and Painting Competition

Nakisabay sa pagbibida ng locally designed bags sa entablado sa SM City Masinag, Antipolo City, Rizal ang maybahay ni Mayor Omie Rivera na si Gng. Dolly Rivera sa ginanap na Araw ng Lalawigan ng Rizal, Inter-town Bag Design and Painting Competition nitong ika-8 ng Hunyo. May tema itong “Likhang Yaman ng Lalawigan” kung saan kaniyang iminodelo ang bag na pinintahan ng dalawa nating kababayan mula sa Angat San Mateo, sina Juveniel De Guzman at Zyrus Soriano. Dumalo din dito sina Gov. Nina Ynares, Vice Gov. Jun Rey San Juan, Jr., Antipolo City Mayor Andeng Ynares at si Dating Gov. Jun Ynares.

Ipinakita ng ating mga malikhaing kabataan sa kanilang obra ang pagkakakilanlan at turismo ng ating mga karatig-bayan gaya ng Hinulugang Taktak ng Antipolo, Wawa Dam ng Montalban, Mt. Masungki ng Tanay, ang Tiangge ng Taytay, Higantes Festival ng Angono, at ang mahal ng patrona ng ating bayan, Nuestra Señora De Aranzazu.

Saludo tayo sa ipinakitang husay sa pagpinta nina Juveniel at Zyrus!


Images

Hunyo 9, 2023

GAD, naghandog ng finance seminar sa mga kababaihan

Pinasinayaan ng Gender and Development Office (GAD )office ang Isa na namang makabuluhang Microfinance And Entrepreneurship Orientation and Seminar ang kanina ay naganap sa JFD stadium kasama ang mahigit kumulang 500 na kababaihan mga Golden Ladies Federation officers at federation officers ng TODA upang muling makabangon at makapag simula ng kanilang negosyo at mapahiram ng puhunan upang mai angat ang antas ng kanilang pamumuhay. Salamat sa ating butihing ama ng bayan Mayor Omie Rivera sa patuloy na pag suporta sa mga programa ng GAD na makakatulong sa mamamayan na magkaroon ng pagkakataong maka recover mula sa pandemya. Salamat din sa ating mga bisita from Cardona Rural Bank Manager Ma’am Ching Minor at sa ating mga bisita mula sa FWD insurance Ms. Cynthia Mendoza at Ms. Sheryl Academia.


Images

Hunyo 9, 2023

SHS Students, sumailalim sa Employment Coaching and Career Counseling

Dumalo tayo sa Employment Coaching and Career Counseling ng nasa 470 graduating Senior High School students mula sa San Mateo National High School ngayong araw sa Municipal Stadium.

Nakasama natin rito sina DOLE Rizal Representative Abigail Gilpo, PESO Rizal Representative Louie Cruz, District Supervisor Priscilla Jose at San Mateo National High School Principal Estelita Mafe. Layunin nito na magabayan ang ating mga kabataan sa pagpili ng kanilang kukuning kurso sa kolehiyo o trabaho.

Nawa ay sa pamamagitan ng counseling na ito ay makapagpasya kayo para sa inyong kinabukasan. Binabati ko kayo, SMNHS SHS students!


Images

Hunyo 8, 2023

Pamahalaang Bayan ng San Mateo, nakiisa sa 2nd NSED 2023

Nitong ika-8 ng Hunyo, nakiisa ang ating Pamahalaang Bayan sa pangunguna ng ating San Mateo Rizal - Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office sa 2nd Nationwide Simultaneous Earthquake Drill 2023. Katuwang ang iba't-ibang departamento ng MDRRMO, DPOS, MHO, MSWDO, PNP, BFP, BJMP, BDRRMO ng Barangay Maly at PIO sabay sabay tayong nag duck, cover and hold.

Layunin ng ating pagsasagawa ng NSED na isulong ang kahandaan at kaligtasan ng ating mga kababayan sa panahon ng sakuna.

Manatiling handa, mga kababayan!


Images

Hunyo 7, 2023

Mga atleta mula San Mateo, wag isa iba't-ibang larangan ng palakasan

Binati ng ating Pamahalaang Bayan sa pangunguna ni Mayor Omie Rivera ang ating mahuhusay na atletang nagwagi sa iba't-ibang larangan ng palakasan. Si Ma. Corazon Soberre na Bronze Medalist sa 2023 SEA Games, si Justine Anastacio na Gold Medalist sa 2023 Thailand Mountain Bike Cup, si Marionne Angelique Alba na Best Setter at Most Valuable Player para sa Season 85 ng UAAP Women's Volleyball, si John Ruiz Samaniego na Gold Medalist sa 2023 National New Face of Taekwondo Association at si Jay Ynigo Bataga na Silver Medalist sa 2023 National New Face of Taekwondo Association.

Tunay na kamangha-mangha ang kanilang ipinamalas na galing sa kanilang mga napiling larangan ng palakasan. Patuloy kayong maghatid ng karangalan sa ating bayan at nakasuporta lamang kami sa inyo. Congratulations sa ating mga atleta!


Images

Hunyo 6, 2023

Higit 40 magkabiyak, ikinasal sa Kasalang Bayan 2023

Idinaos nitong ika-3 ng Hunyo 2023, Sabado, ang pag-iisang dibdib ng 41 mga magsing-irog sa Kasalang Bayan 2023Naging mataimtim at makahulugan ang seremonya na ito na siyang nagbigkis sa pagsasama ng mga bagong kasal.

Kasama dumalo sa kasalang bayan sina Vice Gov. Junrey San Juan, Jr. Atty. Ferdie Rivera, Bokal JP Bautista, Konsi Boy Salen, Konsi Joey Briones, Konsi Joel Diaz, Konsi Leo Buenviaje, at Konsi Arwin Mariano. Ang Local Civil Registry ang nanguna sa programang ito katuwang ang iba pang tanggapan. Nawa’y maging kasing tamis ng pagsusumpaan ng mga bagong kasal ang kanilang pagsasama; maging matibay ito sa kahit anumang dumaan na pagsubok sa kanila.

Mabuhay ang mga bagong kasal!


Images

Hunyo 3, 2023

Kauna-unahang Barangay Day, isinagawa ng San Mateo LGU sa Brgy. Sto. Niño

Nagtungo ang mga kawani ng Pamahalaang Bayan ng San Mateo, Rizal sa pangunguna ni Mayor Omie Rivera nitong ika-2 ng Hunyo sa Libis, Riverside, Brgy. Sto. Niño upang magsagawa roon ng unang Barangay Day. Kasama ang mga kawani ng barangay na pinangungunahan ni Kapitan Jojo Juta at ng mga kawani ng ating Pamahalaang Bayan, nagkaroon ng pamamahagi ng foodpacks sa mga residente rito. Sa tulong ng ating Municipal Health Office ay nagkaroon ng pagsusuri at pamimigay ng ilang medisina para naman sa ating mga binisitang senior citizens at bata na nangangailangan ng atensyong medikal. Namahagi rin ng mga bola ng volleyball at basketball para sa mga kabataan doon.

Binisita rin ang Modesta Village, Brgy. Sto. Niño matapos manggaling sa Libis, Riverside upang ipagpatuloy ang Barangay Day. Pinuntahan rin ang isinasagawang barangay hall na nalalapit na matapos upang magsilbi sa mga residente ng barangay at sa sub station ng Bureau of Fire Protection upang alamin ang mga kulang pang kagamitan ng ating mga bumbero. Nagkaroon rin ng maikling kumustahan kasama ang mga magulang at mga bata sa Early Childhood Development Center roon.

Magpapatuloy ang pagbisita sa bawat barangay sa ating bayan upang malaman ang mga programang naaayon sa pangangailangan ng ating mga kababayan.


Images

Hunyo 2, 2023

MAO, nanguna sa Rabies Awareness and Wildlife Protection Orientation para sa mga mag-aaral ng SMMC

Sa pakikipagtulungan ng ating Municipal Health Office (MHO) sa National Nutrition Council - CALABARZON, isinagawa nitong ika-1 ng Hunyo ang day 1 ng “Idol ko si Nanay and E-Opt Tool Technical Assistance: Learning Sessions for the First 1000 Days of Life” sa ating Super Health Center sa Brgy. Guitnang Bayan I.

Layunin ng naturang programa na itaas ang antas ng kamalayan ng ating mga kabataan ukol sa kahalagahan ng pagiging bakunado ng ating mga alagang hayop kontra rabies at ang karagdagang proteksyong handog nito hindi lamang sa mga pet owners kundi pati na rin sa ating mga alaga mismo. Maging maalam at ligtas, kababayan dahil ang bayan ng San Mateo, katuwang mo sa kalusugan mo!


Images

Hunyo 1, 2023

5-day training para sa ating nutrition scholars hatid ng National Nutrition Council at Municipal Health Office

Sa pakikipagtulungan ng ating Municipal Health Office (MHO) sa National Nutrition Council - CALABARZON, isinagawa nitong ika-1 ng Hunyo ang day 1 ng “Idol ko si Nanay and E-Opt Tool Technical Assistance: Learning Sessions for the First 1000 Days of Life” sa ating Super Health Center sa Brgy. Guitnang Bayan I.

Isa itong 5-day traning para sa ating mga municipal nutrition scholars (MNS) na naglalayong linangin ang kanilang kasanayan at bigyan sila ng sapat na kahandaan para sa magiging implementasyon ng Operation Timbang Plus sa ating bayan. Nagsilbing facilitators sina Ms. Ma. Jhonnadette Castillo, RND na Development Management Officer II mula sa NNC - CALABARZON at si Ms. Mary Pinyol, RND upang talakayin ang mga paksa gaya ng mga dapat tandaan ng isang nanay sa pre-pregnancy, pregnancy at postpartum.

Dito sa San Mateo, patuloy lamang tayo sa pagtitiyak ng mahusay na pagsasagawa ng mga programang ating ipinapatupad para sa ating mga kababayan!


Images

Mayo 31, 2023

Ika-6 na taong anibersaryo ng koronasyong kanonikal ng Mahal na Birheng Nuestra Señora de Aranzazu, ginanap sa munisipyo ng San Mateo, RIzal

Sa pagdiriwang ng ika-6 na taong anibersaryo ng koronasyong kanonikal ng Mahal na Birhen ng San Mateo, Rizal, Nuestra Señora de Aranzazu, dumalaw at iniluklok ang kanyang imahen sa bulwagan ng ating munisipyo nitong ika-31 ng Mayo. Kasama ang mga kawani ng San Mateo LGU, pinangunahan nina Mayor Omie Rivera, Vice Mayor Jimmy Roxas, Konsi Leo Buenviaje, at Konsi Arwin Mariano ang isinagawang pagsalubong.

Ika-31 ng Mayo 2017 nang kilalanin at parangalan ng Roma, sa pangunguna ni Pope Francis, ang ating mahigit 300 taong debosyon sa ating Mahal na Patrona laban sa kalamidad at sakit, at siya ring patnubay ng mga guro at mag-aaral. Para sa ating mga kababayang Katoliko, magpatuloy nawa ang ating pananampalataya at pagdarasal sa Mahal na Birheng Nuestra Señora de Aranzazu.

Viva la Virgen!


Images

Mayo 31, 2023

Anne Pijpenbroek, finalist sa Mrs. Euro-Philippines Universe 2023

Ginanap nitong ika-27 ng Mayo 2023, sa Kerkrade, The Netherlands, ang Mrs. Euro-Philippines Universe 2023 kung saan naging finalist at itinanghal na Queen of Philanthropy ang ating kababayang si Anne Pijpenbroek na mula sa Brgy. Banaba at kasalukuyan nang naninirahan sa Apeldoorn, The Netherlands. Ilan pa sa mga titulong naiuwi ni Pijpenbroek ay Mrs. Flawless, Darling of the Crowd, at Mrs. Goodwill Ambassador Universe 2023 3rd runner-up.

Isang mainit na pagbati mula sa Pamahalaang Bayan ng San Mateo Rizal, Anne Pijpenbroek! Hanga kami sa iyong ipinamalas na husay, puso, at ganda sa entablado ng Mrs. Euro-Philippines Universe 2023!


Images

Mayo 29, 2023

Mga kabataan ng San Mateo, wag isa iba't-ibang larangan!

Dalawang kababayan natin ang tagumpay na nakapag-uwi ng karangalan sa larangan ng palakasan! Itinanghal na silver medalist si Jan Ynigo Bataga ng Brgy. Ampid I sa katatapos lamang na 2023 National New Face Taekwondo Championships ng Philippine Taekwondo Association sa ilalim ng Senior Advance Category. Nasungkit naman ni Justine Anastacio, taga-Brgy. Guitnang Bayan II at miyembro ng Go for Gold PH, ang gold medal sa ilalim ng Open Junior Category ng Thailand MTB Cup 2 sa Chanthaburi Province, Thailand.

Isang mainit na pagbati sa inyong ipinamalas na husay at galing, Jan Ynigo Bataga at Justine Anastacio!


Images

Mayo 28, 2023

Paintings & Panoramas: A Kanayunan and Arts Festival sa Amiya Raya

Naging masaya ang unang araw ng Paintings & Panoramas: A Kanayunan and Arts Festival ng Amiya Raya nitong ika-27 ng Mayo 2023. Busog na ang mata sa mga nakamamanghang likhang sining ng Angat San Mateo Artists, busog pa ang tiyan sa mga pagkaing handog ng ating local vendors. Nakaaaliw ring makinig sa tugtuging hatid ng isang live brass band.

Binati ni Mayor Omie Rivera ang pamunuan ng Amiya Raya sa pangunguna ni Bb. Maria Charina Garcia sa paglulunsad ng naturang aktibidad at isa itong oportunidad upang mapalakas ang turismo sa ating bayan at masuportahan ang ating local vendors sa pagtangkilik ng kanilang mga produkto.

Maraming salamat sa lahat ng nakiisa at bumisita para sa Paintings & Panoramas: A Kanayunan and Arts Festival! Bukas pa rin ito ngayong araw hanggang alas-7 ng gabi kaya naman para sa mga hindi pa nakapunta, tara na sa Amiya Raya!


Images

Mayo 27, 2023

Community-Based Drug Rehabilitation Program, handog ng San Mateo PNP

Sa pagtutulungan ng Philippine National Police, San Mateo Municipal Anti-Drug Abuse Council (SAMMADAC), at ng ating interfaith religious group partners, isinagawa ang Community-Based Drug Rehabilitation Program nitong ika-27 ng Mayo sa Admin Office ng ating Municipal Stadium kung saan nagkaroon ng talakayan ukol sa masasamang epekto ng paggamit ng ipinagbabawal na gamot.

Bilang nagkakaisang bayan, tulong-tulong tayo sa pagtataguyod ng isang ligtas, mapayapa, at mapagkalingang komunidad para sa lahat! Bayan ng San Mateo, serbisyo at kahusayan ang alay sa'yo!


Images

Mayo 26, 2023

CBMS Enumarators, sumailalim sa Community-Based Monitoring System (CBMS) Training

Nagkaroon nitong ika-25 ng Mayo 2023, ng Community-Based Monitoring System (CBMS) Training para sa bagong batch ng CBMS enumerators sa Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) Building. Pinangunahan ito nina Bb. Ma. Cristina Crisol, Bb. Marty Hila, G. Arlan Aguilar at Bb. Analyn Manuel mula sa Philippine Statistics Authority (PSA) at ni Public Employment Service Office (PESO) OIC Bb. Marizza Cabug-os.

Patuloy lamang ang pagtutulungan ng ating Municipal Planning and Development Office (MPDO) at Public Employment Services Office (PESO) sa pangangalap ng karagdagang mga CBMS enumerators sa ating bayan. Antabayanan lamang ang aming mga susunod na abiso para sa mga detalye ukol dito.


Images

Mayo 26, 2023

MDRRMO, nagdaos ng Community-based disaster preparedness

Sa pagtutulungan ng ating Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) at ng ating Urban Poor Affairs Office (UPAO), nagsagawa ng Barangay Disaster Preparedness Orientation sa Brgy. Maly at Brgy. Ampid II nitong ika-17 at ika-24 ng Mayo 2023.

Nagkakaroon din ng pagturnover ng batingting para sa mga residente ng naturang mga barangay. Ito ang magsisilbing tagapagbigay ng maagap na babala sa ating mga kababayang naninirahan sa mga high-risk areas sakaling maharap sila sa banta ng anumang kalamidad o sakuna.


Images

Mayo 25, 2023

John Ruiz Samaniego, kampeon sa 2023 National New Face Taekwondo Championships

Nag-uwi ng karangalan sa ating bayan ang taekwondo player ng San Mateo National High School na si John Ruiz Samaniego mula sa Brgy. Guitnang Bayan I. Ito ay matapos niyang masungkit ang gintong medalya sa katatapos lamang na 2023 National New Face Taekwondo Championships ng Philippine Taekwondo Association, Poomsae Category, sa Ninoy Aquino Stadium, Manila nitong ika-20 hanggang ika-21 ng Mayo 2023.

Isang mainit na pagbati sa iyong ipinamalas na husay sa larangan ng taekwondo, John Ruiz Samaniego! Tunay ngang pagdating sa palakasan, malakas ang San Mateo diyan!


Images

Mayo 25, 2023

Pamimigay ng ayuda sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situation, ipinaabot ni Cong. Jojo Garcia

Sa pagtutulungan ng opisina ni Congressman Jojo Garcia, Department of Social Welfare and Development (DSWD), at ng ating Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO), nagkaroon nitong ika-24 ng Mayo 2023, ng pamamahagi ng ayuda sa ating Municipal Stadium para sa halos 1000 mga senior citizens, persons with disability (PWDs), at solo parents mula sa iba't ibang mga barangay sa ating bayan.

Maraming salamat po sa inyong tulong na ipinaabot sa ating mga kababayan!


Images

Mayo 24, 2023

PESO, inilunsad ang Capacity Building Training para sa mga OFW Federations at OFW Family Circles (OFCs)

Isinagawa nitong ika-24 ng Mayo sa Admin Office ng ating Municipal Stadium ang Capacity Building Training para sa mga Overseas Filipino Workers (OFW) Federations at mga OFW Family Circles (OFWCs) o kamag-anak ng mga kababayan nating OFW mula sa iba’t ibang barangay sa ating bayan. Ito ay sa pagtutulungan Global Filipino Movement - Government Partnership, San Mateo OFW Federation at ng ating Pamahalaang Bayan, sa pamamagitan ng Public Employment Service Office (PESO).

Nagsilbing guest speaker sina Global Filipino Movement -Government Partnership Department Manager Ptr. Allan Alicando at San Mateo OFW Federation Ptr. Terry Broqueza at kanilang tinalakay ang mga paksa tulad ng Anti-Illegal Recruitment Assessment (AIRA), Free Online Services, Re-orientation of Help Desk at Symposium for Schools. Layunin ng aktibidad na ito na mapagtibay ang pagtutulungan ng Pamahalaang Bayan at ng mga OFW Federations upang maipaabot ang mga programang kapaki-pakinabang para sa mga OFW sa ating bayan at upang matugunan ang kanilang mga hinaing.


Images

Mayo 23, 2023

Gender-Responsive Basic Education Seminar para sa mga kabataan, pinangunahan ng GAD

Isinagawa nitong ika-23 ng Mayo ang Gender-Responsive Basic Education (GRBE) Seminar sa ating Municipal Stadium sa pangunguna ng Gender and Development Office (GAD). Sa tema nitong “Pantay na Kabataan at Mag-aaral Ating Pahalagahan”, tinalakay ni Bb. Renifer Francisco ng Gender Empowerment Consultancy and Advocacy Firm (GECAF) ang ilang mga paksa gaya ng gender equality and non-discrimination, gender sensitivity, gender biases, gender-based violence, at gender-fair language.

Dumalo rito ang mahigit 250 mga mag-aaral mula sa iba’t ibang pampublikong paaralan sa ating bayan. Nagpaabot naman ng mensahe sina District Supervisor Priscilla Valdez-Jose, Dr. Marivic Cabañero, at GAD Head Bb. Grace Diaz ukol sa kahalagahan ng pagkakaroon ng isang lipunang may pagpapahalaga sa pagkakapantay-pantay ng bawat isa.


Images

Mayo 22, 2023

Bigay Dugo, Saginaw Buhay: A Blood Letting Activity, isinagawa ng Rizal Medical Group

Nitong nakaraang Sabado, ika-20 ng Mayo 2023, nagsagawa ng isang blood letting activity sa ating Municipal Stadium, Brgy. Guitnang Bayan I. Pinangunahan ito ng Rizal Medical Group, sa pakikipagtulungan ng Angat Bayanihan Foundation, Ang Bagong Liwanag - Silangan, San Mateo Municipal Health Office (MHO), at ng ating Tanggapan ng Punongbayan, sa pamamagitan ng Local Youth Development Office.

Maraming salamat sa lahat ng mga nakibahagi sa aktibidad na ito! Bayan ng San Mateo, katuwang mo sa kalusugan mo!


Images

Mayo 22, 2023

San Mateo PNP, nagdaos ng BIDA Anti-Drug and Anti-Bullying Lecture

Sa pagtutulungan ng ating Pamahalaang Bayan, sa pamamagitan ng San Mateo Anti-Drug Abuse Council (SAMADAC) at ng San Mateo PNP, idinaos ang Buhay Ingatan, Droga'y Ayawan (BIDA) Anti-Drug and Anti-Bullying Lecture nitong nakaraang ika-19 ng Mayo 2023, sa Ampid I Elementary School.

Dumalo rito ang 50 mga mag-aaral na nasa ika-6 na baitang at pinangunahan naman ni Police Senior Master Sergeant (PSMS) Anthony Francisco ang naging talakayan. Layunin ng aktibidad na ito na makapagbigay ng kaalaman sa ating mga mag-aaral kaugnay sa pag-iwas sa droga at bullying.

Bigay Dugo, Saginaw Buhay: A Blood Letting Activity

Nitong nakaraang Sabado, ika-20 ng Mayo 2023, nagsagawa ng isang blood letting activity sa ating Municipal Stadium, Brgy. Guitnang Bayan I. Pinangunahan ito ng Rizal Medical Group, sa pakikipagtulungan ng Angat Bayanihan Foundation, Ang Bagong Liwanag - Silangan, San Mateo Municipal Health Office (MHO), at ng ating Tanggapan ng Punongbayan, sa pamamagitan ng Local Youth Development Office.

Maraming salamat sa lahat ng mga nakibahagi sa aktibidad na ito! Bayan ng San Mateo, katuwang mo sa kalusugan mo!


Images

Mayo 22, 2023

Riprap sa Brgy. Banaba, gumuho

Nagtungo nitong ika-22 ng Mayo ang ating Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) at Municipal Engineering Office (MEO) sa tapat ng South Libis, Brgy. Banaba, lugar kung saan may naireport na gumuhong riprap kagabi, upang alamin ang lawak ng naging pinsala rito.

Base naman sa pinakahuling tala ng ating Municipal Health Office, walang napabalitang nasaktan sa naturang insidente at ang mga pamilyang lumikas kagabi ay kasalukuyan nang nakikituloy sa kani-kanilang mga kamag-anak. Nagtungo rin sa lugar ang mga kawani ng ating Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) upang mamahagi ng mga food packs.

Samantala, nakipag-ugnayan na ang ating mga tanggapan sa Department of Public Works and Highways (DPWH) para sa kanilang gagawing inspeksyon sa lugar.


Images

Mayo 21, 2023

Municipal Agriculture Office building, mas maayos na matapos ang renovation

Isinaayos at ginawang sementado ang paligid ng ating Municipal Agriculture Office nang sa gayon ay kanilang mahusay na maihatid ang mga serbisyong inihahandog ng kanilang tanggapan sa ating mga kababayan.


Images

Mayo 20, 2023

Ma. Corazon Soberre, wagi ng Bronze sa SEA GAMES 2023

Nitong ika-9 ng Mayo 2023, nasungkit ng ating kababayan mula sa Brgy. Guinayang ang bronze medal sa sports na Pétanque sa ginanap na 32nd South East Asian Games sa Cambodia. Kasama niyang nakakuha ng medalya ang partner na si April Joy Alarcon na mula naman sa Zamboanga City.

Isang mainit na pagbati sa iyong ipinamalas na husay at sa pagbibigay ng karangalan sa ating bayan, Maricor Soberre! Tunay ngang pagdating sa palakasan, malakas ang San Mateo diyan!


Images

Mayo 19, 2023

Centenarian mula sa ating Pamahalaang Panlalawigan, ginawaran ng cash gift

Nitong ika-18 ng Mayo 2023, personal na binisita ni Gob. Nina Ynares, Bise Gob. Junrey San Juan, Mayor Omie Rivera, at Bokal JP Bautista si Bb. Felicidad “Idad” Diaz, isang centenarian na naninirahan sa Brgy. Sta. Ana upang igawad ang sertipiko ng pagkilala at ang cash gift, alinsunod sa Republic Act 10868 o ang Centenarian Act of 2016.

Matatandaan na noong ika-7 ng Pebrero 2023 ay nakatanggap din si Lola Idad ng halagang P25,000 mula sa Pamahalaang Bayan alinsunod naman sa Municipal Ordinance No. 041-S-2016. Layunin nitong umagapay at makapagbigay ng ibayong suporta sa mga pangangailangan ng ating mga kababayang centenarian.


Images

Mayo 19, 2023

Feeding Program and Parent Effectiveness Orientation, handog ni Gob. Nina Ynares

Pinangunahan ng pamunuan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Rizal sa ilalim ni Gob. Nina Ynares ang pagsasagawa ng 2-day Feeding Program and Parent Effectiveness Orientation na may temang “YES to Proper Nutrition” mula ika-17 ng Mayo hanggang ika-18 ng Mayo 2023 sa Justice Vicente Santiago Elementary School (JVSES). Dito’y tinalakay nina Bb. Marie Claire Miranda, Dr. Nancy Santos, at G. Chester Jerusalem mula sa Provincial Health Office (PHO) ang ilang mga paksa gaya ng importansya ng breastfeeding, wastong pangangalaga ng bibig, at kahalagahan ng pangangalaga sa kalusugan.

Bukod sa feeding program ay nagsagawa rin ng Nutritional Assessment, Operation Patak Vitamin A, at pamamahagi ng iba pang mga bitamina ang PHO para sa mahigit 1000 mga magulang at mag-aaral ng JVSES na dumalo. Nagpaabot din ng mensahe sina Gob. Nina Ynares, Mayor Omie Rivera, at School Division Superintendent- DepEd Rizal Dr. Doris DJ. Estalilla ukol sa kahalagahan ng pagkakaroon ng mga ganitong programa upang makaiwas sa malnutrisyon ang mga kabataang taga-San Mateo. Dumalo rin dito sina Bise Gob. Junrey San Juan, Bokal JP Bautista, CID Chief Rosemarie Blando, G. Benito Picones, District Supervisor na sina Bb. Priscilla Jose at G. Pitsberg Derosas, at JVSES Principal Rosita Rivera.

Maraming salamat po sa Pamahalaang Panlalawigan ng Rizal! Dito sa ating bayan, may kalinga at suporta para sa mga bata!


Images

Mayo 18, 2023

OWWA MOA Contract Signing, bagong OWWA Provincial Office at paggawad ng Tulong-PUSO sa San Mateo OFW Federation, magkakasunod na idinaos ng OWWA at San Mateo LGU

Kahapon ng Miyerkules, ika-17 ng Mayo 2023, dumalo si Mayor Omie Rivera, kasama ang 11 mga punongbayan mula sa iba’t ibang bayan sa Lalawigan ng Rizal, sa naganap na OWWA MOA Contract Signing Ceremony sa Ynares Event Center, Antipolo City, Rizal. Layunin ng contract signing na ito na magkaroon ng pagtutulungan sa pagitan ng mga LGUs at ng OWWA pagdating sa mga proyekto, programa at serbisyo para sa mga kababayan nating OFWs.

Sa parehong araw ay pinasinayaan din ang bagong Overseas Workers Welfare Association (OWWA) Provincial Office sa Antipolo City, Rizal. Sinaksihan ito nina Rizal Provincial Governor Hon. Nina Ynares, Vice Governor Hon. Junrey San Juan, Jr., OWWA Deputy Administrator for Operations Atty. Mary Melanie H. Quiño, at Antipolo City Councilor Hon. Angie Lou Tapales bilang kinatawan ni Mayor Casimiro A. Ynares III.

Matapos nito ay tumanggap naman ng financial grant na hindi bababa sa Php100,000.00 ang San Mateo OFW Federation sa pangunguna ni Pastora Terry Broqueza mula sa DOLE-OWWA Tulong Pangkabuhayan sa Pag-unlad ng Samahang OFWs (Tulong-PUSO). Isa itong livelihood financial grant na sumusuporta sa mungkahing business plan ng mga OFW groups at naglalayong makatulong sa pagbuo at muling pagtatatag ng nawala o nasirang negosyo ng ating mga kababayang OFWs.

Suporta at serbisyo sa ating mga kababayang OFWs, mas inilapit pa ng OWWA!




Images

Mayo 18, 2023

PABATID | Painting contest para sa mga Rizalenyo

Sa selebrasyon ng ika-122 Araw ng Lalawigan ng Rizal sa ika-11 ng Hunyo 2023, magkakaroon ng isang painting contest para sa mga Rizalenyo sa pangunguna ng Pamahalaang Panlalawigan ng Rizal!

Bukas ito para sa LAHAT ng malikhaing Rizalenyo mula sa iba’t ibang sektor (PWDs, senior citizens, PDLs, solo parent, kabataan, indigenous people, atbp.) Sa ilalim ng temang “Likhang Yaman ng Lalawigan”, ang painting contest na ito ay magiging isang masigla at makabuluhang pagtatampok ng ating pagmamahal sa kalikasan, sa sining, tradisyon, at kultura ng ating lalawigan.

Para sa mechanics at criteria for judging sa painting contest na ito, tingnan lamang ang larawan sa baba. Para naman sa entry form, magdownload lamang mula sa link na ito: https://bit.ly/42NITFv

Sama-sama nating ibida ang nakamamanghang mga likhang yaman ng ating lalawigan! Sali na, kababayan!


Images

Mayo 17, 2023

Special Program for Employment of Students (SPES) Orientation, isinagawa sa unang batch ng student beneficiaries

Ginanap nitong ika-16 ng Mayo 2023, sa bagong MDRRMO Building, Brgy. Sta. Ana, ang orientation para sa 50 mga mag-aaral na benepisyaryo ng ating Special Program for Employment of Students (SPES). Pinangunahan ito ng ating Public Employment Service Office (PESO) katuwang ang Department of Labor and Employment (DOLE).

Dito’y tinalakay ni Labor Employment Officer III Ms. Abigail Gilpo ang ilang mga paksa gaya ng batas ukol sa SPES, mga kautusan nito at ang magiging gampanin ng mga SPES beneficiaries. Nagpapasalamat ang ating Pamahalaang Bayan sa patuloy na pagsuporta at pagpapaabot ng mga kapaki-pakinabang na programa para sa ating mga kabataan!


Images

Mayo 16, 2023

Marionne Alba mula sa San Mateo, itinanghal na MVP sa UAAP Women’s Volleyball

Itinanghal na UAAP Finals Most Valuable Player (MVP) at Best Setter ang ating kababayang mula sa Brgy. Gulod Malaya na si Marionne Angelique Alba sa katatapos lang na liga ng University Athletic Association of the Phlippines (UAAP) Season 85 Women's Volleyball nitong ika-14 ng Mayo. Bahagi siya ng De La Salle University Lady Spikers na nag-uwi ng kampeonato laban sa defending champion na National University Lady Bulldogs.

Ipinapaabot ng Pamahalaang Bayan ang mainit na pagbati sa kaniyang ipinamalas na husay at sa pagbibigay karangalan sa ating bayan. Tunay ngang pagdating sa palakasan, malakas ang mga taga-San Mateo diyan!

Congratulations, Marionne Alba!


Images

Mayo 15, 2023

San Mateo Farmers' Festival Motorcade, idinaos ng MAO

Bilang pakikiisa ng ating Pamahalaang Bayan sa selebrasyon ng kapistahan ni San Isidro Labrador at ng San Mateo Farmers’ Festival, pinangunahan ng ating Municipal Agriculture Office (MAO) ang isang motorcade para sa mga samahan ng magsasaka sa ating bayan.

Itinampok sa parada ang imahen ni San Isidro Labrador mula sa Dulong Bayan I maging ang mga aning gulay at prutas ng ating mga kababayang magsasaka. Layunin ng programang ito na ibalik ang sigla ng kapistahan at palakasin ang sektor ng agrikultura dito sa San Mateo.

Isang masagana at masayang pagdiriwang para sa ating mga magsasaka! Viva San Isidro Labrador!

#SanMateoRizalLGU

#SanMateoRizalPIO


Images

Mayo 12, 2023

San Mateo LYDO, pinarangalan sa POGCHAMPS Culminating Activity

Binigyang pagkilala nitong ika-10 ng Mayo 2023, sa De La Salle University, Manila, ang ating Bayan ng San Mateo Rizal sa ginanap na culminating activity ng Project Open (Youth) Government Champions (POGCHAMPS). Isa itong tatlong buwang capacity building training na pinangungunahan ng La Salle Institute of Governance, sa pakikipagtulungan ng National Democratic Institute, Galing Pook Foundation, at National Youth Commission.

Ang naging pagkilala sa ating bayan ay para sa inihandang audio-video presentation (AVP) ng ating San Mateo Local Youth Development Office kung saan kanilang inilahad ang kanilang naging simulain at ang magiging plano sa pagtataguyod ng pamamahalang nagnanais ng kolektibo at sama-samang pag-unlad, sa tulong at gabay ng ating Sangguniang Kabataan at Local Youth Development Council.

Dito sa San Mateo, handog sa kabataan ang pamunuang magaling, matino, at may puso!

Photo courtesy of San Mateo LYDO


Images

Mayo 11, 2023

LYDO, magsasagawa ng Bigay Dugo, Saginaw Buhay: A Blood Letting Activity

“Dugong iaalay, sasagip ng buhay!”

Sa darating na ika-20 ng Mayo 2023, sa ganap na alas-8 ng umaga hanggang alas-12 ng tanghali, gaganapin ang “Bigay Dugo, Saginaw Buhay: A Blood Letting Activity” sa ating Municipal Stadium, Brgy. Guitnang Bayan I. Bukas and blood letting activity na ito para sa mga:

  • Nasa edad 17 hanggang 59 taong gulang
  • Hindi bababa sa 110 pounds o 50 kilos ang timbang
  • Nasa 90 - 160 mmHg (systolic) at 60 - 100 mmHg (diastolic) ang presyon
  • Nasa 50-100 beats kada minuto ang pulso
  • May temperatura na hindi lalagpas sa 37 °C
  • Hindi bababa sa 12.5 g/dL ang hemoglobin

PAALALA: Para sa mga blood donors na 17 taong gulang, kinakailangang may kasama silang legal guardian sa araw ng blood letting activity. Sakaling hindi makakasama ang guardian, kailangang may maipakitang consent letter na pirmado ng guardian kalakip ang valid ID nito. Sa mga nais mag-donate ng dugo, sagutan lamang ang pre-registration form: https://bit.ly/3LTp1Kf Ang programang ito ay sa pangunguna ng Rizal Medical Group at sa pakikipagtulungan ng Angat Bayanihan Foundation, San Mateo Municipal Health Office (MHO), Ang Bagong Liwanag - Silangan at ng ating Tanggapan ng Punongbayan, sa pamamagitan ng Local Youth Development Office. Para sa karagdagang impormasyon at ilang mahalagang paalala, bisitahin lamang ang post ng ating San Mateo LYDO. Bayan ng San Mateo, katuwang mo sa kalusugan mo!


Images

Mayo 3, 2023

BALITANG BAKUNAHAN | Chikiting Ligtas 2023

Sa ating pakikiisa sa pinaigting na kampanya ng Department of Health (DOH), World Health Organization (WHO) Philippines, at United Nations International Children's Emergency Fund (UNICEF) laban sa tigdas at rubella, magkakaroon ng bakunahan sa buong buwan ng Mayo (ika-2 hanggang ika-31 ng Mayo 2023), mula alas-8 ng umaga hanggang alas-3 ng hapon, sa iba’t ibang lokasyon sa ating bayan para sa mga batang nasa edad 9-59 na buwan. May Vitamin A supplementation din para naman sa mga batang nasa 6-59 na buwan.

Narito ang mga lugar ng bakunahan:

  • House to House
  • SM Vaccination Center, 3rd flr., SM City San Mateo
  • Barangay Health Centers:
  • Super Health Center, Brgy. Guitnang Bayan I
    Doña Pepeng, Brgy. Banaba
    Rocky Valley, Brgy. Sto. Niño
    Brgy. Malanday
    Brgy. Guinayang
    ECCD Centers (para sa mga daycare students ng ECCD)

Sama-sama nating labanan ang banta ng tigdas at rubella sa ating bayan! Dito sa San Mateo, may kalinga para sa mga bata!


Images

Mayo 3, 2023

TINGNAN | Fogging kontra lamok ng Sanitary Unit sa Brgy. Banaba

Ilang mga kawani mula sa Sanitary San Mateo ang nag-ikot nitong ika- 3 ng Mayo upang magsagawa ng fumigation o pagpapausok para puksain ang mga lamok sa Phase 3, Felicidad Village, Brgy. Banaba.

Dito sa San Mateo, agarang pagtugon at aksyon ang handog namin sa iyo!

#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO

Photos courtesy of San Mateo Sanitary Unit


Images

Mayo 2, 2023

BALITANG BAYAN | Sunog sa Upper Marang, Brgy. Maly

Alas-7 ng gabi nitong ika-2 ng Mayo nang may inireport na sunog sa Upper Marang, Brgy. Maly. Agad itong naitawag para marespondehan ng BFP at ng 6 na firetrucks. Agad ding idineploy ang ilang DPOS personnel upang pangasiwaan ang trapiko at ang mga tao sa naturang lugar.

Nagdeklara na ng fire out ang BFP ng 8:03PM at 3 pamilya ang kumpirmadong naapektuhan ng sunog. Nakastandby ang mga kawani ng ating MHO sa Marang Health Center sakaling may mangailangan ng atensyong medikal habang patuloy pa rin ang pag-iinspeksyon sa lugar na naging pahirapan dahil sa kawalan ng kuryente rito.

Manatiling alerto, kababayan!


Images

Mayo 2, 2023

TINGNAN | Mga bagong sasakyan at heavy equipment para sa mga opisina sa San Mateo LGU

Kasabay ng regular na pagsasagawa ng flag raising ceremony nitong ika-2 ng Mayo, nagkaroon din ng pamamahagi ng mga bagong sasakyan at heavy equipment sa ilang mga opisina ng ating Pamahalaang Bayan.

Ang kanilang pagkakaroon ng mga karagdagang sasakyan ay nakatuon sa pagpapaabot ng mas epektibo at kapaki-pakinabang na serbisyo para sa ating mga kababayan dahil dito sa Bayan ng San Mateo, kahusayan at aksyon ang nais naming ihandog sa iyo!


Images

Mayo 2, 2023

BALITANG BAKUNAHAN | Human Papillomavirus (HPV) vaccination hatid ng MHO

Iba't ibang bakunahan kontra HPV ang inilunsad ng ating Municipal Health Office (MHO) para sa mga kabataang babae ng ating bayan na may edad 9-15 taong gulang. Halos umabot sa 400 ang kabuuang bilang ng mga nagpabakuna ayon sa pinakahuling tala ng MHO mula sa 6 na vaccination sites.

Sa layunin ng ating Pamahalaang Bayan na paigtingin ang pangangalaga sa kalusugan ng ating mga kababayan, ang bakunahang ito ay nakatuon sa pagpapalaganap ng kaalaman sa ating mga kabataan at maagap na paglayo sa kanila sa banta ng cervical cancer. Maraming salamat sa Department of Health (DOH) at kay Congressman Jojo Garcia sa kanilang agarang tulong upang madagdagan ang ating mga bakuna.

Bayan ng San Mateo, katuwang mo sa kalusugan mo!


Images

Mayo 1, 2023

MDRRMO, pinangunahan ang Community Based Disaster Risk Management Training

Pinangunahan ng Office of Civil Defense (OCD) at ng ating Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) ang pagdaraos ng Community-Based Disaster Risk Management (CBDRM) para sa mga kinatawan ng ating Barangay Disaster Risk Reduction and Management Office (BDRRMO). Isinagawa ang 3-day training seminar na ito mula ika-26 hanggang ika-28 ng Abril 2023 sa Ciudad Christhia Resort, Brgy. Ampid I.

Dinaluhan ito ng higit sa 40 kinatawan ng mga BDRRMO mula sa iba’t ibang barangay sa ating bayan. Ang naging talakayan ay pinangunahan ng mga kawani ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) ng Laguna at Rizal na sina G. Jay De Guzman, Bb. Regine Ann Fadri Flores, Bb. Faye Puna De Guzman, Bb. Wyeth Lumidao Fernandez, at G. Ronnie Mateo. Samantala, nagpaabot ng mensahe sina Konsi Boy Salen at LGOO VI/ MLGOO Bb. Sherlyn A. Oñate-Resurreccion ukol sa kahalagahan ng pagiging alerto at maalam ng mga safety personnel na nakatalaga sa kani-kanilang barangay sakaling magkaroon ng sakuna. Daan ito sa ating pagtitiyak na magkakaroon ng agaran at epektibong pagsaklolo sa ating mga kababayan.

Bayan ng San Mateo, kaligtasan mo ang prayoridad dito!

PAALALA: Para sa mga opisyal na aktibidad na may kinalaman sa Community Disaster Risk Management gaya ng training/seminar na ito, makipag-ugnayan lamang sa tanggapan ng ating MDRRMO.


Images

Abril 26, 2023

African Swine Fever (ASF) at Avian Flu Surveillance, isinagawa ng Municipal Agriculture Office - San Mateo Rizal

Bilang paghahanda sa banta ng ASF at Avian Flu, nagsagawa ang Municipal Agriculture Office - San Mateo Rizal

Admin (MAO) ng iba’t ibang pagsusuri sa iba’t ibang lugar sa ating bayan. Noong Miyerkules, nitong ika-26 ng Abril 2023, kinolektahan ng dugo ang mga alagang baboy sa Brgy. Maly, Guitnang Bayan I, Silangan, at Pintong Bukawe. Nito namang nakaraang buwan ng Marso ay nagkaroon din ng blood collection sa mga poultry.

Alinsunod sa Department of Agriculture - Bureau of Animal Industry Memorandum Circular No. 35, s. 2022, kinakailangan ang pagkolekta ng 50 blood samples kada tatlong buwan upang epektibong ma-monitor ang ating mga produktong hayop. Kaya’t sa darating na Hulyo, muli tayong magkakaroon ng blood collection.

Sa kasalukuyan, avian influenza-free ang buong lalawigan ng Rizal at walang nairereport na kaso ng ASF sa ating bayan. Bahagi ang mga blood collection na ito ng ating pinaigting na pagbabantay upang mapanatiling ligtas ang ating mga babuyan at manukan sa banta ng mga naturang virus.

Dito sa bayan ng San Mateo, alagang hayop siguradong pang-merkado!


Images

Abril 24, 2023

Mga kabataang taga-San Mateo, wagi sa Palarong Panlalawigan 2023 at 2023 Regional Athletic Association Meet (RAAM)

Nagpamalas ng galing sa larangan ng palakasan ang San Mateo Blazers sa ginanap na Palarong Panlalawigan 2023 at 2023 Regional Athletic Association Meet (RAAM) nitong buwan ng Pebrero hanggang Abril. Buong husay nilang hinarap ang mga laban katunggali ang iba’t ibang mga paaralan mula sa buong rehiyon ng CALABARZON.

Malugod namin kayong binabati sa tagumpay na inyong nakamit! Ang mga karangalan at medalyang iginawad sa inyo ang nagpapatunay na basta palakasan, malakas ang San Mateo diyan!


Images

Abril 25, 2023

Libreng Pap smear, inihandog ng Municipal Health Office

Sinimulan noong ika-25 ng Abril ang pagsasagawa ng libreng Pap smear para sa mga kababaihan ng ating bayan na nasa edad 20 taong gulang pataas. Higit sa 50 ang nagpunta upang tumanggap ng mga libreng serbisyong hatid ng ating MHO – mula sa Pap smear at visual inspection with acetic acid, STI and HIV/AIDs counseling, hanggang sa testing and non-communicable diseases (NCD) screening para sa hypertension at diabetes.

Magpalista nang maaga sa health center na malapit sa inyong barangay sapagkat limitado lamang sa 15 slots ang tinatanggap para sa libreng serbisyo na ito (maliban sa Brgy. Pintong Bukawe na 20 katao ang tinatanggap).

Narito ang mga karagdagang paalala:

  • Ang libreng serbisyo na ito ay para lamang sa mga kababaihang nasa edad 20 taong gulang pataas.
  • Dapat ay sumailalim sa 2 araw na abstinence (walang naging sexual contact sa loob ng 2 araw).
  • Dapat ay walang buwanang dalaw/menstruation sa araw ng pagpapatingin.
  • Ang aktibidad na ito ay para lamang sa mga residente ng San Mateo, Rizal.
  • Para sa schedule ng aktibidad na ito, narito ang link ng aming naunang post:
    https://www.facebook.com/sanmateorizalPIO/posts /pfbid02NHef9v2YmSxWkFQmFvHm28ncZrHADW9zkdkP6QJuXDxhhAgvCf5WHs2qcoLn4aYsl

Dito sa ating bayan, ating tututukan ang kalusugan at kapakanan ng kababaihan!



Images

Abril 24, 2023

Mga mag-aaral at nasunugan, nakatanggap ng tulong sa Iskolar ni Gob Program

Mahigit 200 college scholars at mga nasunugan sa San Mateo ang nakatanggap ng cash assistance at emergency bags mula sa Pamahalaang Panlalawigan ng Rizal sa pangunguna ni Gob. Nina Ynares at ng ating Pamahalaang Bayan nitong ika-24 ng Abril 2023 sa ating Municipal Stadium.

Dinaluhan ito nina Bise Gob. Jun Rey San Juan, Bokal JPBBokal JPB - John Patrick Bautista, ang OPPA na BM 3rd District of RizalBokal JPB - John Patrick Bautista, ang OPPA na BM 3rd District of RizalBokal JPB - John Patrick Bautista, ang OPPA na BM 3rd District of Rizal, at Mayor Omie Rivera. Sila ay nagpaabot ng mensahe ukol sa kahalagahan ng edukasyon sa mga kabataan ng ating bayan sapagkat isa itong armas na makatutulong sa kanila upang makamit ang tagumpay.

Maraming salamat po Gob. Nina Ynares sa tulong ninyo sa ating mga kabataan! Dito sa ating bayan, tulong-tulong tayo tungo sa ating minimithing kaunlaran!


Images

Abril 24, 2023

Operation Rescue Kalikasan, inilunsad ng MENRO

Bilang ating pakikiisa sa selebrasyon ng Earth Day 2023, nitong ika-24 ng Abril ay pinangunahan ng ating Municipal Environment and Natural Resources Office (MENRO) ang paglulunsad ng kanilang programang “Operation Rescue Kalikasan”.

Sa ilalim ng programang ito ay maghahandog ang MENRO sa 18 tanggapan/opisina ng ating Pamahalaang Bayan ng mga color-coded trash bins – green trash bins para sa biodegradable wastes (nabubulok na basura), black trash bins para sa non-biodegradable wastes (di-nabubulok na basura), at yellow trash bins naman para sa hazardous wastes. Mayroon ding iiistasyong e-waste box na magsisilbing tapunan naman ng mga electrical at electronic na kagamitan.

Sa layunin nating paigtingin ang sama-samang pagkilos upang mapangalagaan ang ating kalikasan, nais nating maipaabot din ang mga trash bins na ito sa mga komunidad sa ating bayan dahil dito sa San Mateo, hangad natin ang pagkakaroon ng isang malinis na kapaligiran at malusog na mamamayan!


Images

Abril 20, 2023

Community-based disaster preparedness orientation ng MDRRMO, idinaos

Sa pagtutulungan ng ating Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) at ng ating Urban Poor Affairs Office (UPAO) ay isinagawa noong ika-20 ng Abril 2023, ang Barangay Disaster Preparedness Orientation sa Sta. Ana Covered Court na dinaluhan ng mga Homeowners and Neighborhood Association ng Brgy. Sta Ana.

Nagkaroon din ng pagturnover ng batingting para sa mga residente ng naturang barangay. Ito ang magsisilbing tagapagbigay ng maagap na babala sa ating mga kababayan sakaling maharap sila sa banta ng anumang kalamidad o sakuna.

Bayan ng San Mateo, handa tayo rito!


Images

Abril 11, 2023

Araw ng Kagitingan, ipinagdiwang sa Gunita ng Pagsibol: Giting ng Pilipino, Dangal ng San Mateo!

Nitong ika-11 ng Abril, pinangunahan nina Mayor Omie Rivera, Vice Mayor Jimmy Roxas at Atty. Ferdie Rivera na kinatawan ni Cong. Jojo Garcia ang pag-aalay ng bulaklak sa bandila ng Pilipinas bilang ating paggunita ng ika-81 anibersaryo ng Araw ng Kagitingan. Nagkaroon din ng pagpapasinaya ng monumento ni Atty. Mamerto Santos Natividad , Sr.– isang bayaning tubong San Mateo sa pangunguna naman nina Konsi Boy Salen, Konsi Joel Diaz, Konsi Joey Briones, at Konsi Cris Cruz, kasama ang mga kamag-anak ni Atty. Natividad. Nagsipagdalo rin sa makabuluhang seremonyang ito ang PNP sa pangunguna ni PLt. Col. Rodolfo Santiago II; BFP at si CInsp. Elmer Maronilla; BJMP at sina JSupt. Alvin Gavan at JInsp. Leslie Indiana; ating MLGOO, Bb. Sherlyn Onate-Resurreccion; mga pinuno ng tanggapan ng San Mateo LGU; Knights of Columbus; Banda ‘82; Katipunang Pangkasaysayan ng San Mateo Rizal, Inc.; at Sons and Daughters of Veterans.


Images

Abril 9, 2023

Prusisyon para sa Pasko ng muling pagkabuhay ni Hesus, idinaos

Idinaos sa iba’t ibang simbahan sa ating bayan ang pagdiriwang ng Pasko ng Muling Pagkabuhay ni Hesus nitong Abril 9. Maagang nagsipaghanda ang mga kababayan nating debotong Katoliko para sa mga ginanap na prusisyon na nagsimula pasadong alas-3 ng madaling araw kanina. Matapos magtagpo ng mga imahen nina Hesus at Maria ay sunod na nagdaos ng Banal na Misa kung saan daan-daan ang mga nagsipagdalo at nagpakita ng kanilang debosyon at matatag na pananampalataya. Sa nagdaang Panahon ng Kuwaresma ay nagkaroon tayo nawa ng mas malalim at matibay na koneksyon at pagkilala sa ating mga sarili, sa ating kapwa, at sa Kaniya na ating tagapagligtas.


Images

Abril 9, 2023

Easter ARTventure sa SM City San Mateo inilunsad sa Linggo ng Pagkabuhay

Sa pagtutulungan ng SM City San Mateo, ating Pamahalaang Bayan, sa pamamagitan ng Pambayang Tanggapan ng Turismo, at ng San Mateo Artists Guild ay naging masigla at makulay ang mga kaganapan nitong ika-9 ng Abril sa idinaos na Easter ARTventure: Easter Egg Painting Contest sa Activity Center, 2nd flr. ng SM City San Mateo. Dito’y aktibong nakibahagi ang mga malikhaing mag-aaral mula sa iba’t ibang paaralan sa ating bayan. Itinanghal na mga nagwagi sina:

  • Jarmony Baldonado at Kristine Mahinay (Silangan National High School) - 1st place
  • Fiona Angel Angustia at Cyril Anne Mendoza (San Mateo Senior High School) - 2nd place
  • Sophia Bianca Mitra at Luisa Misa (San Mateo Senior High School) - 3rd place

Ayon sa mga kalahok, sa pamamagitan ng kanilang disenyo ay nais nilang maiparating ang kagalakang hatid ng muling pagkabuhay ni Hesukristo at ang kahalagahan nito sa pananampalatayang Katoliko. Isang pagbati at pasasalamat sa mga nagwagi at lumahok sa Easter ARTventure: Easter Egg Painting Contest sa SM City San Mateo!




Images

Abril 7, 2023

Prusisyon ng Paglilibing ni Hesus ginanap sa Biyernes Santo

Isinagawa nitong ika-7 ng Abril, Biyernes Santo, ang Prusisyon ng Paglilibing ni Hesus na pinasimulan sa Diocesan Shrine and Parish of Nuestra Señora de Aranzazu (DSPNSDA) at San Jose de Ampid Parish pasado alas-5 ng hapon. Dito’y nakibahagi ang mga kababayan nating debotong Katoliko na maagang inihanda ang karosa ng kanilang mga santo. Dumiretso na rin sa prusisyon ang mga nagsipagdalo ng banal na misa. Isang mapayapa at taimtim na paggunita sa buhay, pag-ibig, at pagpapakasakit ni Hesus ngayong Semana Santa, kababayan.


Images

Abril 5, 2023

Trail of Faith: San Mateo LGU Way of the Cross idinaos sa Miyerkules Santo

Sa pagtutulungan ng ating Tanggapan ng Punongbayan at Pambayang Tanggapan ng Turismo ay ginanap nitong Abril 5, Miyerkules Santo, ang Trail of Faith na pinangunahan nina Fr. Alexis Miday mula sa Diocesan Shrine and Parish of Nuestra Señora de Aranzazu (DSPNSDA), pamunuan ng Brgy. Guitnangbayan I sa pangunguna ni Kap Jojo Cruz, at ating Municipal Administrator G. Henry Desiderio. Nakibahagi rin dito ang ilang mga kawani ng ating Pamahalaang Bayan, Bureau of Jail Management and Penology (BJMP), at mga bikers at joggers. Kanilang binaybay ang 1.6km trail mula Dap-ayan hanggang Amiya Raya at nag-alay ng mga panalangin sa 14 na istasyon ng krus. Sa mga kababayan nating Katoliko ay magkaroon nawa kayo ng makabuluhan at taimtim na paggunita sa buhay, pag-ibig, at pagpapakasakit ni Hesus ngayong Semana Santa.


Images

Abril 4, 2023

Mga lupong tagapamayapa, pinarangalan sa 2023 Lupong Tagapamayapa Incentives Awards

Nagkaroon ng pagpaparangal sa iba’t ibang barangay sa ating bayan para sa 2023 Lupong Tagapamayapa Incentives Awards na pinangunahan nina Mayor Omie Rivera, Vice Mayor Jimmy Roxas, Konsi Cris Cruz, Konsi Joel Diaz, Konsi Leo Buenviaje, Konsi Joey Briones, Konsi Boy Salen, ating LGOO VI/ MLGOO- San Mateo Bb. Sherlyn A. Oñate-Resurreccion at mga kawani ng Department of the Interior and Local Government (DILG) Rizal Provincial Office. Nagkamit ng parangal bilang 1st Place ang Brgy. Guitnang Bayan II; 2nd Place ang Brgy. Guitnang Bayan I; at kapwa naman nasa 3rd Place ang Brgy. Guinayang at Brgy. Ampid II. Sa pamamagitan ng 2023 Lupong Tagapamayapa Incentives Awards, nilalayon ng DILG na palakasin ang Katarungang Pambarangay bilang pangunahing tagapamagitan at tagapagtaguyod ng hustisya at kapayapaan sa bawat komunidad sa ating bayan.


Images

Abril 1, 2023

Mga kabataan ng San Mateo, wagi sa iba’t-ibang larangan

Nagpamalas ng natatanging husay, talino, at lakas ang mga kabataan mula sa ating bayan sa mga ginanap na iba’t ibang patimpalak sa loob at labas ng ating bansa! Nitong Sabado, ika-1 ng Abril 2023, tagumpay na nasungkit ng Secondary Basketball Girls ng Guardian Angel Academy, Brgy. Gulod Malaya ang kampeonato sa ginanap na DedEd CALABARZON 2023 Regional Athletic Association Meet (RAAM) sa Dasmariñas, Cavite. Sa parehong araw ay nag-uwi rin ng dalawang gintong medalya sa individual at team category ng taekwondo si Chandra Calista Florendo na mula sa Brgy. Guitnangbayan I. Sila ang mga opisyal na atletang magiging kinatawan ng rehiyon ng CALABARZON sa Palarong Pambansa 2023 ngayong Hulyo. Samantala, nitong ika-2 ng Abril naman ay pinarangalan bilang silver medalist si Pio Gabriel Arcala Montecillo, isang kindergarten mula sa Sta. Cecilia Parochial School, Brgy. Maly, sa ginanap na 2023 Thailand International Mathematical Olympiad sa Pattaya, Thailand. Tunay na hindi matatawaran ang inyong iniuwing karangalan sa ating bayan, rehiyon, at bansa. Isang mainit na pagbati sa inyo, mga kababayan!


Images

Abril 1, 2023

2nd Fire Combat Challenge 2023, pinangunahan ng San Mateo BFP

Isinagawa nitong ika-1 ng Abril ang ikalawang Fire Combat Challenge na pinangungunahan ng Bureau of Fire Protection (BFP) - San Mateo at nilahukan ng iba’t ibang mga barangay sa ating bayan. Bago magsimula ang mga inihandang aktibidades ay nagkaroon muna ng pagbibigay ng makabuluhang mensahe sina Provincial Fire Marshal Supt. Crispulo Eusebio, Jr., Municipal Fire Marshal CInsp. Elmer Maronilla, MLGOO-DILG Bb. Sherlyn Oñate-Resurreccion, at Kap. Jomer Cruz ng Brgy. Guitnang Bayan I na siyang naging host barangay ng Fire Combat Challenge sa unang bahagi ng kasalukuyang taon. Ayon sa kanila, ang paglulunsad ng mga programang kagaya nito ay isang oportunidad para sa ating mga kababayan upang maiangat ang antas ng kanilang kakayanan bilang emergency fire responders. Sa mga aktibidad gaya ng flammable liquid fire extinguishment, bucket relay, at fireman’s challenge ay nasubukan ang tatag at pagiging alisto ng ating barangay fire responders. Kanila ring ipinakita ang kahalagahan ng pagtutulungan bilang isang team upang tagumpay na matapos ang bawat hamon.


Images

March 14, 2023

Zumbabae, ginanap bilang pagdiriwang ng National Women's Month
Girls just JUANA have fun!

Sa patuloy na pakikiisa ng ating Pamahalaang Bayan sa selebrasyon ng National Women's Month, isinagawa ng ating Gender and Development (GAD) Office na pinangungunahan ni Ms. Mary Grace Diaz ang ZUMBABAE Health and Wellness Program nitong Martes, ika-14 ng Marso, sa JFD stadium. Dito’y nakiindak ang mahigit 400 kababaihan ng ating bayan, kabilang na ang ilang mga kawani ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP), at San Mateo Municipal Police Station. Bukod sa zumba ay nagkaroon din ng isang maikling talakayan sa pangunguna ni Doc. Nyl Jarem Amoroso ukol sa kahalagahan ng pisikal na aktibidad at ang maitutulong nito sa ating pisikal at mental na kalusugan. Naging katuwang naman ng ating Municipal Health Office (MHO) ang Noble Life International sa pagsasagawa ng libreng medical consultation sa lugar upang masiguro na medically fit ang mga nagsipagdalo nating kababayan.


Images

March 14, 2023

Mga armas, handog ng Rizal Provincial Police para sa San Mateo

Ginanap kahapon, ika-14 ng Marso 2023, ang pagturnover ng Philippine National Police (PNP), sa pamamagitan ng Rizal Police Provincial Office (RPPO), ng iba’t ibang klase ng long firearms at ammunition gaya ng 10 units ng BAR Galil ACE 5.56mm, 2 units ng BAR Emtan 5.56mm, 84 magazine, at 30,240 rounds ng 5.56 ball SS109 ammunition, sa San Mateo Municipal Police Station. Pinangasiwaan nina Provincial Director PCOL Dominic Labao Baccay at PMAJ Edzel Macasero ang turnover rites na ito sa ating municipal lobby kung saan naroon sina Mayor Omie Rivera at PNP-San Mateo OIC PLTCOL Rodolfo Santiago II upang pangunahan ang pagtanggap ng mga kaloob na ito. Dumalo rin sa naturang seremonya sina Konsi Boy Salen, Konsi Joey Briones, Konsi Jojo Mariano, at ating Municipal Administrator G. Henry Desiderio.
Layunin ng pagturnover na ito na paigtingin ang pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa ating bayan kung kayat ayon kay PLTCOL Rodolfo Santiago II, kanilang titiyakin ang maayos at naaayong paggamit ng mga natanggap na armas.


Images

March 10, 2023

Mga empleyado ng San Mateo LGU, nakatanggap ng libreng bone screening mula sa St. Gianna Medical and Diagnostic Clinic

Sa hangaring magkaroon ng maagap na pagtukoy sa mga may osteoporosis at makapagbigay ng ibayong kaalaman ukol dito, nakipag-ugnayan ang mga kinatawan ng Getz Pharma Phils. Inc at St. Gianna Medical and Diagnostic Clinic sa ating Pamahalaang Bayan upang magsagawa ng libreng Bone Mineral Density (BMD) screening para sa ating mga kawani rito na nasa edad 45 taong gulang pataas.
Bukod sa bone screening ay nagkaroon din ng talakayan ukol sa osteoporosis sa pangunguna ni Bb. Raine Sabine C. Lacza, PTRP mula sa St. Gianna Medical and Diagnostic Clinic nang sa gayon ay lubos na maunawaan ng mga dumalo kung anong banta sa ating pangangatawan ang hatid ng osteoporosis at papaano ito maiiwasan.


Images

March 9, 2023

Pamahalaang Bayan ng San Mateo, nakiisa sa 1st Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill 2023

Ang ating Pamahalaang Bayan ng San Mateo Rizal ay nakibahagi sa ginanap na #NSED2023 kahapon sa pangunguna ni Mayor Omie Rivera at ng ating Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO), katuwang ang DILG/MLGOO, Philippine National Police (PNP), Bureau of Fire Protection (BFP), Department of Public Order and Safety (DPOS), Municipal Health Office (MHO), at Municipal Engineering Office (MEO).
Binigyang hudyat ang opisyal na pagsisimula ng earthquake drill sa pamamagitan ng pagpindot ng ceremonial buzzer na nasa Brgy. Sto. Nino, isa sa mga barangay na nakapaloob sa East Valley Fault. Sinisimbolo ng pagtunog ng buzzer na ito ang pagkakaroon ng isang malakas na paggalaw ng lupa o earthquake.
Aktibong nakilahok ang ating mga kababayan sa Brgy. Sto. Nino sa mga ginanap na iba’t ibang “scenario” doon gaya ng eksena ng nakawan, sunog, at pagkaipit ng ibang residente sa kani-kanilang tahanan. Samantala, naging alerto rin sa pag-duck, cover, and hold ang ating mga kababayan sa iba pang mga barangay habang nagsasagawa rin ng rescue operations sa iba’t ibang mga “scenario”.
Sa pagsisikap ng ating Pambansang Pamahalaan, sa pamamagitan ng Office of Civil Defense (OCD), na mapaigting ang ating kahandaan sakaling maharap sa mga sakuna gaya ng lindol, buo ang suporta ng ating Pamahalaang Bayan sa pagtataas ng lebel ng kapasidad ng ating mga frontliners at rescue personnel.


Images

March 10, 2023

San Mateo, napiling pagdausan Fur Babies Day out sa Rizal

Sa pagtutulungan ng Provincial Veterinary Office, ating Municipal Agriculture Office (MAO), at ng ating Animal Welfare Officer, ginaganap ang Fur Babies Day Out nitong Marso 10 sa Brgy. Silangan Covered Court kung saan nagsasagawa ng LIBRENG veterinary consultation, medical treatment, at anti-rabies vaccination.
Layunin nitong matulungan ang mga pet owners na mabigyan ng libreng mga bakuna ang kanilang mga alagang aso’t pusa upang manatiling malusog at masigla.


Images

March 2, 2023

Mga buntis, nalibahagi sa 2023 Buntis Congress

Sa pangunguna ng ating Municipal Health Office (MHO) ay nagkaroon ng Buntis Congress nito lamang ika-9 ng Marso sa Ampid I Covered Court. Isa itong seminar na tumatalakay sa mga pamamaraan kung paano mapapangalagaan ng mga nagdadalang-tao ang kanilang mga anak sa sinapupunan upang maisilang nila ito nang maayos.
Dinaluhan ito ng 50 buntis mula sa Brgy. Ampid I, Ampid II, at Banaba. Nagtungo rin rin si Mayor Omie Rivera na nagpaabot ng pagbati sa kanila ng Happy Women’s Month kasabay ng pagbibigay diin sa kahalagahan ng pagdalo sa mga seminar na gaya nito nang sa gayon ay maingatan nila nang husto ang kanilang mga sarili pati na rin ang kanilang mga anak.


Images

March 8, 2023

Mga modern PUVs mula sa Golden Arc Transport Cooperative, inilunsad at itinurn-over

Isinagawa noong Marso 8 ang launching at pagturnover ng unang batch ng mga modern public utility vehicles (PUVs) sa pangunguna ni G. Arceo Dela Cruz, Chairman ng Golden Arc Transport Cooperative. \
Nagtungo sina Mayor Omie Rivera, Konsi Boy Salen, Konsi Joey Briones, at ang kinatawan ng ating Department of Public Order and Safety (DPOS) Ret. Maj. Ramil San Jose. Dumalo rin dito sina G. Plato Raymund Tirol, Chairman ng One Cooperative Bank, Usec. Joseph Encabo, Chairman ng Cooperative Development Authority of Rizal, G. Ivan Edward Francisco, PUVMP Project Management Office, G. Jesus Ferdinand Ortega, Chairman - DOTR Office of the Trasnportation Cooperatives, mga opisyales mula sa Land Transportation Franchising & Regulatory Board (LTFRB) at miyembro ng Golden Arc Transport Cooperative.


Images

March 2, 2023

Project Bayanihan Oplan Ligtas Pamayanan, pinasinayaan sa Fire Prevention Month

Bilang pakikiisa ng ating Pamahalaang Bayan sa selebrasyon ng Fire Prevention Month ngayong buwan ng Marso, nagsagawa ang Bureau of Fire Protection (BFP) - San Mateo ng 3-day Fire Safety Seminar, ang “Project Bayanihan Oplan Ligtas Pamayanan”, nitong ika-2, 3, at 6 ng Marso sa JFD Stadium.
Dinaluhan ito ng mga kawani ng iba’t ibang barangay sa ating bayan upang tulungang mailapit sa ating mga kababayan ang agarang aksyon sakaling magkaroon ng sunog. Matapos ang seminar ay sasailalim sila sa pagsasanay upang maging emergency fire responders na siyang magiging pangunahing tagapagsaklolo at katuwang ng BFP.
Nagkaroon din ng Memorandum of Agreement (MOA) signing sa pagitan ng BFP San Mateo at ng Brgy. Guitnang Bayan I, Guitnang Bayan II, Dulong Bayan I, Dulong Bayan II, Malanday, Guinayang, at Maly upang magsilbing katibayan ng pagsasailalim ng mga barangay na ito sa naturang programa at upang opisyal na magkaroon ng Community Fire Auxiliary Group (CFAG) sa loob ng kanilang komunidad.


Images

March 5, 2023

Mga homeowners association, nagtipon-tipon para sa Magna Carta for Homeowners and Homeowners’ Association

Sa pagtutulungan ng ating Urban Poor Affairs Office (UPAO) at ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) ay matagumpay na naidaos ang isang seminar ukol sa 2021 Revised Implementing Rules and Regulations of RA 9904 o The Magna Carta for Homeowners and Homeowners’ Association nitong ika-2 ng Marso sa JFD Stadium.
Dumalo rito ang ilang kinatawan ng mga asosasyon mula sa iba’t ibang barangay sa ating bayan at nagkaroon ng talakayan sa pangunguna nina Bb. Chelcy Ann S. Magandi at G. John Albert Olvida mula sa Community Development Section ng DHSUD Region IV-A upang lubos na maunawaan ng bawat isa ang kanilang tungkulin at gampanin sa loob ng kani-kanilang mga komunidad. Narito rin ang ating Municipal Administrator G. Henry Desiderio at mga kawani ng UPAO na pinangungunahan ni G. Romulo Chan.


Images

March 2, 2023

Opisina ni Sen. Pia Cayetano, naghandog ng Maternal and Child Health Care Seminar sa SMMC

Bilang bahagi ng selebrasyon ng Buwan ng Kababaihan, nito lamang ika-2 ng Marso 2023 ay nagkaroon ng Maternal and Child Health Care Seminar na handog sa ating mga kababayan ng tanggapan ni Sen. Pia Cayetano.
Ginanap ito sa San Mateo Municipal College Guinayang Campus at dinaluhan ng mga Barangay Health Workers (BHWs) mula sa iba't ibang barangay sa ating bayan. Dito’y nagkaroon ng talakayan sa pangunguna ni Dr. Vivian Eustaquio ukol sa kalusugan ng mga kababaihan at kabataan, maging ang mga batas na nangangalaga sa kanilang karapatan. Nagpaabot ng mensahe si Mayor Omie Rivera ukol sa kahalagahan ng papel na ginagampanan ng ating BHWs upang maging ligtas at malusog ang ating mga kababaihan, lalo na ang mga buntis o nagdadalang-tao.


Images

March 1, 2023

Anti-pneumonia vaccinations, hatid ng MHO

Iba't ibang bakunahan kontra pneumonia ang pinangunahan ng ating Municipal Health Office (MHO) para sa mga kababayan nating senior citizens at persons with disabilities (PWDs).
Simula noong nakaraang linggo, ika-23 ng Pebrero, umabot sa 150 kababayan nating senior citizens at PWDs ang nabakunahan sa AFP Covered Court, Brgy. Silangan. Nasa 300 naman ang nakatanggap ng bakuna sa JFD Stadium nitong ika-1 ng Marso at ika-2 ng Marso, higit sa 100 senior citizens at PWDs ang nabakunahan sa Rocky Valley Health Center sa Brgy. Sto. Nino. Sa kabuuan ay nakapagtala tayo ng higit sa 500 mga nabakunahang senior citizens at PWDs sa pagsisimula ng programang ito para ngayong taon. Nagpapasalamat tayo sa DOH at kay Congressman Jojo Garcia sa kanilang agarang tulong upang madagdagan ang ating mga bakuna.
Layunin ng ating Pamahalaang Bayan na paigtingin ang pangangalaga sa ating mga kababayang nabibilang sa vulnerable sector gaya ng senior citizens at PWDs sa pamamagitan ng pag-aabot ng mga libreng serbisyo gaya ng bakunahang ito.