THE OFFICIAL WEBSITE OF THE MUNICIPAL GOVERNMENT OF SAN MATEO, RIZAL

VIDEO GALLERY

PANOORIN | Mga tampok na kaganapan sa ating bayan sa buwan ng Hunyo 2023

Hulyo 3, 2023

Tunghayan natin ang mga nakalipas na programa at aktibidades na siyang bumuo sa ating makulay na buwan ng Hunyo.

Tungo sa isang mapagpunyaging buwan ng Hulyo, kababayan!


PANOORIN | Mayor’s Cup Volleykatan 2023

Hulyo 1, 2023

Mga balebolista ng ating bayan, handa na ba kayo?


PANOORIN | PhilHealth KONSULTA

Mayo 29, 2023

Ang PhilHealth Konsultasyong Sulit at Tama o PhilHealth KONSULTA package ay isang pinalawak na primary care benefit para sa ating mga kababayan. Sa layunin ng PhilHealth na umagapay sa kalusugan ng ating mga kababayan, kailangan ng mga accredited PhilHealth Konsulta Providers na makapagpapaabot ng serbisyo at benepisyong ito sa bawat komunidad.

Panoorin ang mga dapat mo pang malaman ukol sa pagiging isang Konsulta provider sa audio-video presentation (AVP) na ito mula sa PhilHealth.


PANOORIN | San Mateo LYDO at ang mga plano para sa kabataan

Mayo 19, 2023

Sa paggawad ng pagkilala sa ating bayan sa nagdaang Project Open (Youth) Government Champions (POGCHAMPS) Culminating Activity, ating tunghayan ang ating winning entry para sa audio-video presentation (AVP) na naglalahad ng ating mga nais na tahaking landas tungo sa pagbuo at pagkakaroon ng isang pamahalaang nakikinig at responsibo.

PAGLILINAW: Ang mga plano/programang nabanggit sa AVP na ito ay hindi pa pinal sapagkat kinakailangan pa ng masinsinang konsultasyon at pagsasaliksik upang ito’y maging konkreto at tiyak. Gayunpaman, sisikapin nating pag-ibayuhin ang ating pagkilos upang unti-unti natin itong makamit.

Muli, isang mainit na pagbati para sa ating San Mateo Local Youth Development Office, Sangguniang Kabataan, at mga miyembro ng ating Local Youth Development Council!


PANOORIN | Mga tampok na kaganapan sa ating bayan sa buwan ng Abril 2023

Mayo 2, 2023

Tunghayan natin ang mga nakalipas na programa at aktibidades na siyang bumuo sa ating magiting na buwan ng Abril.

Tungo sa isang mapagpunyaging buwan ng Mayo, kababayan!


PANOORIN | Sim Registration Act

Abril 20, 2023

Kababayan, rehistrado na ba ang SIM card mo?
Alinsunod sa Republic Act No. 11934 o ang Subscriber Identity Module (SIM) Registration Act, ating hinihikayat ang ating mga kababayan na magparehistro ng kanilang mga SIM card. Layunin nitong paigtingin ang hakbang ng gobyerno sa pagsugpo ng iba’t ibang uri ng krimen gaya ng cybercrime, text scams, terorismo, pang-aabuso o karahasan, disinformation campaigns, at marami pang iba.
Madali lamang magparehistro! Bisitahin lamang ang website na ito:
Para sa mga Smart at TnT subscribers:
https://simreg.smart.com.ph/
Para sa mga Globe/TM subscribers:
https://www.globe.com.ph/register-sim-card.html#gref
Para sa mga DITO subscribers:
https://dito.ph/sim-registration


2nd Fire Combat Challenge 2023

April 23, 2023

Muling tunghayan ang mga tampok na eksena sa ginanap na ikalawang Fire Combat Challenge na idinaos sa Brgy. Guitnang Bayan I at nilahukan ng mga emergency fire responders mula sa iba’t ibang mga barangay sa ating bayan. Layunin ng aktibidad na ito na tiyaking handa ang ating mga kababayan sa pagharap sa banta ng anumang sakuna, lalong-lalo na sa sunog. Dahil dito sa San Mateo, kaligtasan mo ang prayoridad dito!


Pagpapasinaya ng monumento ni Atty. Mamerto Santos Natividad, Sr.

April 16, 2023

Hulyo ng nakaraang taon nang muling madiskubre ang bustos ni Atty. Mamerto Santos Natividad, Sr. sa loob ng Plaza Natividad–kung saan ito ay nakatago at natatakpan na ng mga kagamitan. Buwan ng Abril ng kasalukuyang taon, matapos ang ating masinsinang paghahanda, inihayag na sa publiko ang monumento ni Atty. Natividad na ngayo’y nasa tapat na ng plazang ipinangalan sa kanya, upang magsilbing paalaala sa atin ng mukha ng kagitingan noong panahong ang kalayaan ay pilit pa nating ipinaglalaban. Muli nating tunghayan ang mga tampok na eksena sa ating pagkilala at pagbibigay-pugay sa isang lokal na bayani ng ating bayan–isang tunay na dangal ng San Mateo!


Wastong Paraan ng Tamang Paghugas ng Kamay

April 23, 2022

Sama-samang ikaway, malilinis na kamay! Halina•t samahan nyo kaming makilahok sa programang Global Hand- washing Day 2022, kaisa ng Department of Health (DOH), ngayong araw, Oktubre 15 at sama-sama tayong maghugas ng kamay sa ating mga tahanan. Bayan ng San Mateo, katuwang mo sa kalusugan mo!


Awarding of Centenarian Cash Gift

OCTOBER 7, 2022

Saksihan ang ilang mga tampok na eksena sa naging paggawad ni Mayor Omie Rivera, kasama ang mga kawani ng Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO), ng birthday gift at ng Centenarian Cash Gift na may kabuuang P35,OOO sa centenarian na si Gng. Cirila Fajardo ng Brgy. Banaba, San Mateo, Rizal


San Mateo Rizal September Fest Mega Job Fair 2022

SEPTEMBER 30,2022

"Sa pag-angat at pag-unlad ng San Mateo, walang dapat maiwanan. Lahat ay magiging bahagi ng pag-unlad. " - Mayor Omie Rivera Mula sa pagbubukas hanggang sa pagtatapos ay naging masigla ang mga eksena sa idinaos na Mega Job Fair sa JFD Stadium nitong nakaraang Bi- yer nest 30 Setyembre 2022.


YES To Green Program Clean-Up Drive

SEPTEMBER 29, 2022

Narito ang ilang eksena sa ating naging produktibong clean-up drive nitong nakaraang Huwebes, 29 Setyembre 2022. Sa pangunguna ng ating Municipal Environment and Natural Resources Office (MENRO) at Solid Waste Management Office (SWMO) ay matagumpay na idi- naos ng ating Pamahalaang Bayan ang "Yes to Green Celebration- San Mateo LGU Simultaneous Clean-Up Drive".


Relief Goods Distribution During Bagyong Karding

SEPTEMBER 26, 2022

Narito ang ilang eksena sa naging pamamahagi ng relief goods sa pangun- guna nina Gob. Nina Ynares at Mayor Omie Rivera nitong 26 Setyembre 2022. Kasama nilang nag-ikot Sina Bokal JP Bautista, Konsi. Boy Salen, at Konsi. Joey Briones sa iba't ibang evacuation sites gaya ng Maly Elementary School, San Mateo Elementary School, Sta. Ana Covered Court at Guinayang Elemen- tary School. Umulan man o bumagyo, tulong-tulong tayo sa bagong San Mateo!


450th San Mateo Foundation Day Gawad Parangal 2022 (part 1)

SEPTMEBER 21, 2022

Narito na ang ating selebrasyon ng ika-450 na taon ng pagkakatatag ng ating Bayan ng San Mateo. Tunghayan ang 450th San Mateo Foundation Day at Gawad Parangal para sa mga indibidwal na nagbigay pagkilala sa ating bayan bilang bahagi ng San Mateo Septemberfest 2022 na may temang, "Kulturang San Mateo @ 450: Pagyamanin at Pasikatin!". Tunghayan ang ating pagdiriwang ngayong taon ng live sa Jose F. Diaz Me- morial Stadium at live na live din sa ating official Facebook page, San Mateo Public Information Office. Hinihikayat ang lahat na makiisa.


450th San Mateo Foundation Day Gawad Parangal 2022 (Part 2)

SEPTEMEBR 21, 2022

Narito na ang ating selebrasyon ng ika-450 na taon ng pagkakatatag ng ating Bayan ng San Mateo. Tunghayan ang 450th San Mateo Foundation Day at Gawad Parangal para sa mga indibidwal na nagbigay pagkilala sa ating bayan bilang bahagi ng San Mateo Septemberfest 2022 na may temang, "Kulturang San Mateo @ 450: Pagyamanin at Pasikatin!". Tunghayan ang ating pagdiriwang ngayong taon ng live sa Jose F. Diaz Me- morial Stadium at live na live din sa ating official Facebook page, San Mateo Public Information Office. Hinihikayat ang lahat na makiisa.


National Simultaneous Bamboo and Tree Planting Kick off Ceremony

SEPTEMBER 13, 2022

Tunghayan ang highlights ng isinagawang National Simultaneous Bamboo and Tree Planting Kick-Off Ceremony noong ika-13 ng Setyembre 2022, sa pa- ngunguna ng ating Pangulong Ferdinand "Bongbong" R. Marcos, Jr. sa Old Sanitary Landfill, Pintong Bukawe, San Mateo, Rizal.


Paraan sa Paggawa ng Suman Antala

SEPTEMBER 9, 2022

Para sa ating mga kababayan na hindi nakapanood ng ating online Kakanin Cooking Show noong isang araw, ika-9 ng Setyembre, narito ang highlights kasama si Nanay Flor. Sama-sama tayong matakam sa 'Suman Antala,' isang uri ng sumang tinutong at matagal iluto, isang kakaning ipinagmamalaki ng San Mateo. Tuluy-tuloy lang ang 24th Kakanin Festival, mga kababayan! Abangan ang mga susunod pang aktibidad sa SeptemberFest 2022!


San Mateo, Rizal Kakanin Festival 2022

SEPTMEBER 9, 2022

Narito ang highlights ng ating makulay at masayang pagdiriwang ng kakat- apos lang na 24th Kakanin Festival at Kapistahan ng ating mahal na patrona, Nuestra Sehora de Aranzazu, nitong ika-9 ng Setyembre 2022.